Chapter 7

6 2 0
                                    


CHAPTER 7

MY DREAMS WITHOUT YOU
Author: Andrez

"Gio, peebet nemen neng hetdeg me este neng hetdeg ne melepet seye" pag papabebe ni Kate na talaga namang ikinagulat ko. Sinanggi ko siya para nmbawiin yung sinabi niya na paabot naman nung hotdog mo pero actually bet ko din yung hotdog ni Gio— i mean hotdog na malapit kay Gio hehe.

Nandito na kami ngayon sa bahay nila Pam. Kumakain na kami ng almusal at talaga namang sigurado ako na mabubusog ako ng bonggang-bongga dito sa dami ng ulam. May niluto na hotdog, bacon, Sunny side up na egg, tilapia, at fried chicken. Meron 'ding nakahaing fruits, salad, at pandesal ni Gio—este pandesal na malunggay made hehe.

Si Pam ay naka pwesto sa sa gitna ng mahabang dining table nila. Si Kate naman ay katabi ko at si Gio ay nasa harapan namin. Kumbaga pwede na siyang pang himagas, rawr! Charot.

Tapos na kaming kumain. Nandito parin ako sa kusina kasi inuubos ko pa yung fruit salad kanina na hindi ko maubos-ubos dahil hindi naman ako mahilig sa sweets.

"Mga girl seryoso kayo? Kayong dalawa maghuhugas niyan?" Tanong ko kay Pam at Kate habang nilalagay sa lababo yung pinagkainan ko ng salad.

"Oo naman! Gusto din namin ma-experience na maghugas ng plato 'no. Actually ilang beses palang ako naghugas ng plato dito sa bahay, at alam niyo ba? Lahat ng hinugasan ko, dumami bigla. Nabasag silang lahat girl. Pukpok lang naman ang inabot ko kay mommy, mas love nun yung mga plato eh HAHHAHAHA charot." Pagbibiro ni Pam. Halata namang hindi sila sanay na maghugas ng pinggan. Ang lalambot kaya ng kamay nung dalawang hitad na mukhang pugo na bestfriend ko. Ay lakas manlait 'teh.

"Okay. Sure kayo diyan ah? If you need a help just call me" sabi ko pa sakanila. Ayoko kasi silang hayaang maghugas ng plato at baka maglaro lang ng bula na parang bata. Mga isip unggoy pa naman 'tong mga 'to.

"Push mo yan 'teh. Diyan ka muna sa salas" sabi naman sakin ni Kate at may kindat pa na akala mo bagay sakanya. Di niya know mukha siyang natitipus AHAHAHAHAHA. Go to the hospital ghorl, baka may astigmatism ka na AHAHAHAHAHA.

Kaagad naman akong pumunta sa salas nila Pam para sana manood kaso mukhang hindi ako makakapanood don. Andoon kasi si Gio. Pero kahit anong mangyari, manonood ako para iwas boredom.

"Can i sit?" Tanong ko kay Gio. Taray diba? English yan. Hindi ako nabobobo ngayon, gumagana ang utak ng talangka kaya napapa-English ang lola niyo.

"Yes of course" naka ngiting sagot niya sakin habang bumalik ang atensyon niya sa cellphone niya mukhang may ka text. Siguro jowa niya, pero kiber nalang. Pakialam ko sa love life niya duh.

So yun na nga mga 'teh, umupo na ko sa sofa at kinuha ang remote. At itong depotang lalaki na nasa sofa din ay winindang ako ng bonggang-bongga!

"Sorry. H-hindi ko sinasadya. Hindi ko naman alam na kukunin mo din y-yung remote." Sabi ko habang nauutal-utal pa. Ang depotang tadhana talaga nakakaasar! Paano ba naman mga 'teh? Nung kukunin ko yung remote, kukunin din pala ni Gio! Ending, edi nahawakan niya kamay ko. Pero mga 'teh, in fairness ang lambot ng kamay nitong si Gio, parang pambabae, baklang bakla talaga. Ang hindi ko lang ma-gets parang nag slow motion yung paligid namin nung nagtama mga kamay namin, tapos parang may nararamdaman akong parang kurynteng kumikiliti sa nerves ko. Yung kagaya ba nung sa mga teleserye? Ano to self? Bat ganto! Hindi dapat ganto nangyayari sayo ghorl! Bat parang may kilig! Stop the kalandian self!

My Dreams without You (On going)Where stories live. Discover now