Chapter 13

4 2 0
                                    


CHAPTER 13

MY DREAMS WITHOUT YOU
Author: Ink_of_Andrez

"Oo mga 'teh, siya nga. Kapal ng mukha 'non tapos ngayon may pa-bulaklak siyang tukmol siya," wika ko habang chinichika kila Kate at Pam yung nangyari kahapon. Pero siyempre hindi ko kinuwento na hinatid pa ako ni Gio samin.

Naka-uwang parin ang kanilang bibig at tila hindi makapaniwala. Mga mukha tuloy silang shungawey sa itsura nila. AHAHAHA

"B-baka naman hindi siya 'yon. Malay mo kamukha lang nung jacket" tugon naman ni Pam habang nangauutal siya. Si Kate naman ay naka tingin lang saakin at tulala parin, mukhang hindi pa niya nadidigest yung sinabi ko.

"Hindi, sigurado ako na siya 'yon. Malakas kutob ko, tsaka sino pa ba pwede mag sorry sakin? Eh, siya lang naman yung may kasalanan sakin" patuloy ko pa. Mas umuwang at mas natulala sila ng bongga, alam kong gulong-gulo sila dahil hindi ko pa pala nasasabi sakanila na minsan ko nang na-meet si Anton aside nung pumunta kami sa bahay nila Pam. Shemay, mahabang paliwanagan nanaman 'to.

"M-may kasalanan? Sayo? Ano kasalanan niya?" Sunod-sunod na tanong saakin ni Kate. Gulong-gulo parin silang dalawa. 'Di ko alam sa dalawang 'to, mukhang mas affected pa sila sakin. Bakit ba ayaw nila maniwala? Sabagay, ikaw ba naman, malaman mo na isang kumag na tukmol ang admirer mo sino ba ang hindi maloloka?

Ikinuwento ko na sakanila yung una naming pagkikita ni Anton na talaga namang very embracing. Medyo nahimasmasan na silang dalawa. Hindi na sila mukhang eng-eng WAHAHAHAHA.

"Nako, sister, wag kang magpapadala sa pa-rosas-rosas 'non. Gwapo lang siya pero mukhang fvckboy, ingat ka bes" paalala saakin ni Kate. Nagtataka na ako sa kinikilos ng dalawang 'to. Mukhang wala silang interest sa kwento ko. Tsaka hindi nila ako shinip ngayon! Himala!

"Oo teh, mahirap masaktan. Tandaan mo, yung mga gwapo na yan, sa una lang magaling. Kunwari mahal na mahal ka, hindi mo alam chacharotin ka lang din pala" dugtong naman ni Pam. Kumakain siya ng biscuits kaya medyo ngongo pero naintindihan ko parin. Grabe ako sermonan ng dalawang 'to dinaig pa si nanay. Akala mo naman ikakasal na ako bukas sa mga sermon nila, tsaka hello, hindi ako interisado kay Anton. Manigas siya diyan.

"Oo na, dinaig niyo pa sermon ni nanay. Tsaka alam niyo? Naninibago ako sainyo. Hindi niyo ko shinip ngayon, may nakain ba kayo?" Pang eechos ko pa. Sabay nila akong tiningnan ng nakakaloko.

"Gusto mo ba na i-ship ka namin kay Anton?" Sabay nilang sambit habang may nakakalokong tingin. Sana pala hindi ko na binanggit sakanila.

"Ayaw!" Mariin kong pag angil.

Natapos na ang una naming subject. May natira kaming 15 minutes dahil agad naming natapos yung mga dapat gawin sa first subject. Nagpaalam ako kina Pam at Kate na mag pupunta lang saglit sa CR. Pumayag naman sila, nag chichikahan lang din sila kaya hindi na nila ako sinamahan.

Matindi ang sikat ng araw pero sinuong ko parin at naglakad na patungo sa CR. "Shemay, napaka-init" reklamo ko sa sarili ko dahil para akong naglakad sa dinaan ni satanas. Napaka-init huhu, sira beauty ko nito.

Pagdating ko sa pintuan ng CR, agad akong tumungo sa isang malaking salamin na katapat ng lababo. Actually hindi naman talaga ako iihi, mag aayos lang ako at maghihilamos, ewan ko ba, pero nakasanayan ko na yung maghilamos, masyado kasi akong maalaga sa mukha ko. Ayoko magkaroon ng tigyawat pero bilang isang hindi perpektong tao, ay hindi din ako clear skin. Then, duhh, wala naman akonh pakialam sa sasabihin ng iba, hindi ako perpekto, i have a lot of flaws at ako mismo ang tumanggap 'non sa sarili ko.

Agad kong inilapag yung dala kong wallet, medyo may kalakihan ito kaya dito ko nalang inilagay yung pulbos at lip tint ko. Agad akong nag polbo at naglagay na din ng kaunting lip tint sa aking labi. Wala din kasi akong alam sa pagaayos kaya ito lang ang kineri.

My Dreams without You (On going)Where stories live. Discover now