Chapter 3

14 3 0
                                    

CHAPTER 3

MY DREAMS WITHOUT YOU
Author: Andrez

Chapter 1

Habang naglalakad ako sa gawing plaza upang umuwi galing eskwela ay nayanig ang kalamnan at dugo ko ng bonggang-bongga "ARAY! SINO ANG BUMATO SAKIN?!" hiyaw ko matapos ako tamaan ng bola ng basketball.


"Uhmm miss pasensya na, hindi namin sinasadya na tamaan ang maganda mong mukha" wika nung mistisong lalaki na sa tingin ko ay siya ang nakabato sakin. Matapos niya akong kausapin ay hindi agad ako nakasagot. Natulala ako sa kanyang kagwapuhan.

"Ayan! Perfect! Pak na pak!" Hiyaw ko na medyo kinikilig kilig kaya naman napatingin sakin si nanay. Ginagawa ko na kase yung chapter 1 ng story ko.


Ang ginamit ko na eksena is yung nangyari kanina bago ako nakauwi. Hindi ako kinikilig dahil iniisip ko yung mukhang Kuhol na si Anton, kinikilig ako dahil ang ganda nung nagawa ko at bagay na bagay. Hindi ako kikiligin sa isang kuhol duhhh!!


"Ano nanaman ang ginagawa ng aking panganay at kilig na kilig nanaman?" Tanong ni nanay at nakikita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Si nanay may pagka-malisyosa din 'to eh, akala siguro ni nanay may boyfie na ako kaya ganon ang ngiti niya.

"Eh nay, tinutuloy ko lang po yung story na ginagawa ko. I want it to finish as soon as possible para po pag na published ko ang libro ko, eh makatulong na ako sa gastusin natin" i sigh habang binibigyan si nanay ng isang tipid na ngiti. Medyo nalulungkot kase ako sa tuwing naaalala ko ang estado ng buhay namin.

"Ah ganon ba anak? Sige ipagpatuloy mo lang yan. Pag dumating ang panahon na ikaw ay sumikat ng dahil jan, ako ang unang hihiyaw para maipagmalaki ka. Ay nako ayoko na ng drama, hindi tayo teleserye haha. Kamusta nga pala klase niyo mga anak?" Wika ni nanay. Pano ko kaya ikukwento kay nanay yung mga pangit na nangyari sa school ko? Pano ba naman kasi, napagalitan ako dahil natulog ako sa klase, tapos kanina naman natamaan ako ng bola sa mukha. Ughhhh Anjela ang pangit ng araw mo! Kasing pangit ni Gio!


My Dreams without You (On going)Where stories live. Discover now