Chapter 16

2 2 0
                                    


CHAPTER 16

MY DREAMS WITHOUT YOU
Author: Ink_of_Andrez

[Gio's POV]

"Oh, Apo, nandito ka na pala? Tara sumabay ka na, kakasimula lang namin" my grandfather said. Kakarating ko lang galing simbahan kasama si Anjela. Napaka saya ko dahil kahit maikling oras ko lang siyang nakasama ngayon, ay nabuo na niya ang buong magdamag ko.

"Yes daddy, kakadating ko lang. Wow, mukhang masarap ulam natin ngayon, ah" bati ko sa hapag habang nakahain ang bacon, ham, adobo, at menudo. Balak ko talagang dumiretso na sa kwarto ko sa taas pero I don't have any choice but to go with my grandpa. Ang dining table kasi namin ay medyo kalapit ng hagdan so makikita talaga nila kung meron mang aakyat sa taas ng bahay.

"Apo, mukhang nag enjoy ka sa date mo" kantiyaw saakin ni daddy habang sumusubo ng pagkain. Daddy kasi ang tawag ko sa grandfather ko, he dont want to call him 'lolo' nakakatanda daw masyado.

"Yes, I enjoyed my time with Anjela dad, pero its not date. You're so naughty talaga dad huh?" Wika ko naman habang kumukuha ng kanin. Natawa nalang kami ni dad sa sinabi ko. 'Di na kami umimik at kumain na kasabay ang mga katulong namin, kaming dalawa lang kasi ni lolo dito sa malaking bahay na 'to kaya naman lagi na namin pinapasabay ang mga katulong na kumain, hindi naman namin sila itinuring na iba saamin.

"Kamusta ang lakad niyo sa simbahan, apo?" Usisa ni dad saakin. Narito kami ngayon sa sala, umupo muna ako saglit sa sofa dahil hindi pa ako pwede humiga dahil kakakain ko lang.

"Napaka saya po. Hindi ko po aakalaing sa araw na 'to ay magiging sobrang saya ko. Alam mo dad? Pati si Anjela alam kong naging masaya, actually we take a pic of us after mass and i really love it. Wait dad, i will show you" sabi ko naman. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko para maipakita ko ng buong galak ang mga litarato namin ni Anjela.

Na kung saan, kami, ay naging isa.

"Very nice, hijo" hayag ni dad habang kumukurba sa ngiti ang kaniyang mga labi. Maging ako ay nagahawa na sa kaniyang ngti na wari ay may nais sabihin. "Apo, hijo. Kung kayo 'man ang para sa isat-isa, wag mong sasaktan si Anjela. Wag kang magiging sanhi nang pagbagsak ng kaniyang luha. Tratuhin mo siya sa dapat na pamamaraan at huwag mo siya papabayaan. Tandaan mo, mapaglaro ang tadhana, kaya kayo nitong hadlangan, ngunit kung mahal mo talaga ang taong nasa larawan na ito, kahit anong gawing hadlang ng tadhana, sigurado ay magiging kayo, hijo." Napatingin ako kay dad sa mga sinabi iya. Batid ko sa ekspresyon ng mukha niya ang sinseridad at pagkalinga. Bakit parang tinutusok ng pitumpung beses ang puso ko? Bakit iba pakiramdam ko? Bakit bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi ni dad?

Naguguluhan man ay ginawa ko parin tumugon sakanya.

"Yes, dad. I promise, hindi ko siya sasaktan. Mamahalin ko lang po siya, tulad nang pagmamahal ko sa pamilya ko" tugon ko sabay bigay ng isang matipid na ngiti kay dad. Naapektuhan ako masyado sa sermon niya, baka kailangan ko lang magpahinga. "Ah, dad. Magpapahinga na po, ako. Napagod po ako sa lakad namin ni Anjela kanina" paalam ko sakaniya. Tumayo na ako at inayos ko ang damit ko. Inabit na din saakin ni daddy ang cellphone ko at umakyat na agad ako papunta sa kwarto ko.

Actually, hindi ako sobrang pagod, hindi ko lang kinakaya ang atmosphere sa paligid namin kanina ni daddy. Parang bigla nalang sumama ang pakiramdam ko sa sinabi niya na  'Tandaan mo, mapaglaro ang tadhana, kaya kayo nitong hadlangan, ngunit kung mahal mo talaga ang taong nasa larawan na ito, kahit anong gawing hadlang ng tadhana, sigurado ay magiging kayo, hijo.' Bakit para akong nasaktan sa sinabi ni dad na 'yon? Bakit?

My Dreams without You (On going)Where stories live. Discover now