Chapter 12

4 2 0
                                    


CHAPTER 12

MY DREAMS WITHOUT YOU
Author: Ink_of_Andrez

Isang tumpok ng rosas...

Tumungo ako sa direksyon ng aking upuan. Mabilis parin ang kabog ng aking dibdib sa hindi malamang dahilan. Oo, kanina natatakot ako, pero ngayon? Ewan. Hindi ko maintindihan. Hindi magawang kumurap ng aking mga mata habang nakatanaw sa mga rosas.

Siya ba 'yon? Siya ba 'yong laging magbibigay ng rose sakin? Pero bakit hindi niya nalang ako kausapin?

"Ang lakas niya mangasar na ako ang may gusto sakaniya, yun pala, siya ang may gusto sakin." Wika ko habang kumukurba ang mga labi. Halo-halo ang nararamdaman ko.

Hindi ako pwedeng magkamali, jacket ni Anton yung nakita ko. Alam ko na siya yung nagpapadala sakin ng bulaklak. Eto na ba yung sinasabi nila na 'kung sino ang kinaiinisan mo, maaaring siya pa ang ibibigay ng tadhana saiyo'. Hindi ko maiwasan ngumiti ng sobrang laki habang pinagmamasdan ang mga rosas. Aaminin ko, kinikilig ako, pero hanggang doon lang, hindi tagos, hindi umaayon ang sistema ko. Alam ko na, tama, na shock lang ako.

"Yari ka sakin Anton, ikaw pala 'tong may pagtingin sakin tapos ako inaasar mo." Wika ko sarili ko habang nag iisip ng pwedeng gawing pang-aasar kay Anton. Kala siguro niya porque nakatakip ang mukha niya hindi ko siya makikilala. Ang shunga kase, sinuot pa yung jacket. Excited pa naman ako nung unang beses kong natanggap yung rosas, akala ko, napaka bait, humble, maginoo at hindi mahangin yung secret admirer ko kuno pero lahat bumaliktad.

Hindi na ako nagtagal sa aming silid. Isinarado ko ang pintuan ng classroom dahil ibinilin ito ng aming adviser. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko para icheck kung anong oras na. "Shemay, quarter to six na" bulong ko pa sa sarili ko.

Madali ako sa pagbaba ng hagdan. Ayoko abutin ng gabi sa pag aantay ng tricycle, madalang pa naman ang mga tricycle na dumadaam dito. Ayoko naman mag lakad, baka ma-chugi na ako pag nag lakad pa ako.

Dinoble ko na ang hakbang ko patungo sa gate ng school. Muli kong hinalukay ang bag ko para kuhanin ang ballpen ko para pumirma sa logbook. "Asan na ba 'yon, nandito lang yun eh, wah, kaasar" wika ko habang may inis na tono sa boses, bukod kase sa hawak ko yung bouquet ng rose, ay hindi ko pa mahanap yung ballpen ko. Malas na buhay 'to huhu, sinusumpa talaga kita satanas.

"I think you need this." Casual na tugon ng isang lalaki. Hindi ko makita ang inaalok niya dahil napako ako sa posisyon ko sa paghahanap ng ballpen. Dahan-dahan akong tumingin sa aking harapan upang matahan ang binata. Napanganga ang aking bagang sa gulat kung sino ang nasa aking harapan...



S-si Gio.

"Bakit andito ka pa? Mag aalas-sais na ng gabi." Nangangatal kong tugon. Hindi ko ma-digest yung mga nangyayari. Kaloka, mapupurat na ata ako, kaharap ko crush ko, may pa-flower si Anton, WAHHHH!

"Nakakalimutan mo na? Diba sabi ko sayo, ihahatid kita lagi sainyo pag naka pasok ka na? Tsaka san galing yung hawak mo" Tugon nito habang habot langit ang ngiti. Pinupunto nito ang rosas na hawak ko. Napaka cute niyang pagmasdan. Nakadagdag pa sa kaniyang kagwapuhan ang kaniyang kinakain na lollipop. Wahhhh ang cute huhu. Si heart sumisigaw na sa loob ng dibdib ko, parang gusto na niyang kumawala. Nagkakagulo nanaman ang buo kong sistema. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Wait teka? Inlove na ba ako? No! Hindi pwede! Kaibigan lang talaga! Kaya shut up ka na heart ko. "Just sign first" dagdag pa niya. Agad akong natauhan at kinuha ko na sa kamay niya ang ballpen na hawak niya. Nagtama ang aming mga daliri, nakaramdam ako ng init na wari ay kuryente na bumalot sa buo kong katawan. Ewan ko ba pero kahit sanay ako na kausapin siya dahil madalas naman siya pumunta samin nung mga nakaraang linggo ay hindi parin mawala saakin yung kaba, tuwa at pagkasabik pag nakikita ko siya. Halikan ko kaya siya? Baka sakaling mawala? CHAR AHAHHAHA.

My Dreams without You (On going)Where stories live. Discover now