CHAPTER 8MY DREAMS WITHOUT YOU
Author: AndrezDahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Kulay puting bagay lang ang nakikit ko. Patay na ba ako? Jusko sana naman sa kalangitan ako mapunta.
"Anjela. Ayos ka lang ba? Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong saakin nung isang boses.
"San Pedro ikaw na ba 'yan? Patay na po ba ako?" Sagot ko naman sa boses nung lalaki. Nakakapag taka lang. Kung patay na ako, bakit alang mga umuusok-usok na kagaya nung sa mga napapanood ko.
"Ano ba'ng sinasabi mo? Of course you are alive! Im not St. Peter. Ako 'to si Gio. Siguro nga kailangan mo lang nang pahinga." Sagot saakin nung lalaki na si Gio pala. So buhay ako? Dahan-dahan akong lumingon sa kanan ko at nakita ko nga si Gio. Kisame lang pala ng hospital yung nakikita ko kanina. Para tuloy akong shunga kaasar.
Ramdam ko parin ang kirot dulot ng tama ng bala sa katawan ko. "Gio, pasensya na, akala ko kasi patay na ako. Pero salamat dahil niligtas mo ako. Alam na ba nila nanay?"
"Yes, tinawagan ko na sila. Papunta na daw sila dito. Wala yung pagtulong ko. Kahit sino naman gagawin yon" sagot niya. Medyo sumeryoso yung mukha niya. "Minsan kasi, mag iingat ka" payo pa niya na akala mo matagal ko ng kakilala.
"Pero Gio, may gusto sana akong itanong. Ano nga pala yung sinasabi mo kanina na ikaw ang kailangan nung mga kupal na lalaki na bumaril sakin?" Tanong ko kay Gio habang nahihirapan parin magsalita. Naalala ko kasi yung sinabi niya kanina sa mga lalaki na 'yon 'nong humarang siya sa pintuan nung van.
"Hoy mga gago! Ako ang harapin niyo! Diba ako ang kailangan niyo?!"
"Shh Anjela. Its not the right time para iexplain sayo. Nanghihina ka pa kailangan mo pa ng pahinga. Bawal ka pa maistress baka bumuka yung tahi mo." Nag aalala nitong wika. May point naman siya, mas kailangan ko muna magpahinga bago ang discussion kasi baka maistress lang ako lalo. "Anjela, m-may gusto sana akong sabihin sayo" nauutal-utal pang dugtong ni Gio.
"Ano 'yon?" My gulay! Aamin ba siya? Gusto niya ba ko? Trulala? Hindi siya bakla? My gulay! Stop dreaming Anjela.
"Gusto sana kitang maging kaibigan" sagot naman agad niya. Alam kong nahihiya siya saakin dahil sa itsura niya. Namumula ang pisngi niya at ang tenga. Ang cute niyang tingnan pag namumula siya, para siyang baby.... Baby ko. Char AHAHAHAHAHA.
"Jusmiyo, 'yon lang pala. Akala ko naman kung ano. Yes of course, pwede tayong maging magkaibigan. Friends?" Wika ko. Pinilit kong ngumiti saakanya habang inaabot ang kamay ko sakanya. Nagliwanag naman agad ang mukha niya at nangiti narin siya.
"Talaga? Pumapayag ka? Yes!" Tuwang-tuwa siya at parang hindi pa makapaniwala. "Alam mo Anjela? Kaya gusto kita maging kaibigan, dahil sa ugali mo. Ang bait mo, ang humble, at higit sa lahat, cheerful. Nakikita ko kasi kung paano mo i-cheer up mga kaibigan mo."
"Nakaka touch naman. Pero alam mo ba? Nung una? Ayoko sayo, feeling ko kasi ang yabang mo tas akala ko din nga bakla ka eh AHAHAHAHA pero hindi ko naisip na pwede pala kita maging kaibigan AHAHAH" my gulay! Walang preno yung bunganga ko! Nasabi ko sakanya yung mga gigil ko sakanya, damn! Nakakahiya. Nakita ko na nagulat siya sa sinabi ko. "Sorry hihi. Pero nag iba na tingin ko sayo hihi" mahiya-hiya kong paliwanag. Gusto ko na lumubog sa lupa ghorl kahit nandito ako sa hospital bed!
"WAHAHAHAHAHA seriously? Akala mo bakla ako? AHAHHA sa gwapo kong 'to" wika niya habang naka pogi pose pa. Ay wow? Ang kapal ng fez kuya ah? Feeling close agad? Hello, kakakilala palang natin 'no, hindi porque niligtas mo ko eh feeling close agad. Pero ang gwapo naman talaga niya, hindi ko lang din magets yung sarili ko bat ko siya inisipang bakla hehe. "Biro lang haha. Pero I'm glad, bestfriend na kita." Ngumiti pa siya saakin. "Sige na magpahinga ka na"
![](https://img.wattpad.com/cover/219973091-288-k74728.jpg)
YOU ARE READING
My Dreams without You (On going)
Teen FictionAng istoryang ito ay patungkol sa isang babaeng walang ibang inisip kundi ang iaahon sa hirap ang pamilya niya at kung paano papasayahin ang taong mahal niya kahit hindi niya alam kung yung taong minamahal niya ay siyang talagang itinakda ni tadhana...