CHAPTER 2
MY DREAMS WITHOUT YOU
Author: Andrez"Besh, ano? Keri pa? Ayan kase apura ka puyat 'tas sa klase ka ni Sir matutulog. Binigyan ka tuloy ng special assignment. Kulit kase ng repolyo mo eh" sermon sakin ni Kate. Etong babae talaga na to, dinamay pa ang gulay sa kalokohan, pag ako nanggigil dito sapakin ko na tong beshie ko "Besh eh alam mo naman ako, desperado na, na tulungan si nanay. Not enough yung money na nakukuha ni nanay sa pagtitinda ng gulay sa palengke, apat kaming magkakapatid na nag aaral" wika ko naman na medyo namomroblema ang tono. Nakita ko naman sa mukha ni Kate ang medyo may pagkaawa.
In all fairness, naawa din pala ang isang to, puro kase kalokohan eh
"Sabagay besh may point ka naman. Push mo yang story mo baka ma palago niyan ang iyong fresh na kagubatan, ay este ang buhay niyo. Pero any way, tanggapin mo din 'to, baka makatulong" wika niya sabay abot ng pera saakin habang nakangiti.
May kaya din kasi sila Kate kahit paaano kaya naman lagi niya akong tinutulungan financially if kulang yung pera ko sa pag gawa ng project at ng kung anek anek eklavush.
"Nako besh hindi na! Eto naman eh, andami mo nang naitulong sakin last month nung gumawa tayo ng project, ayos na yun, nakakahiya din hehe" pagtanggi ko.
Kase kahit sino naman diba? Mahihiya kung andami ng naitulong nung tao? Eh itong si Kate eh hindi pa naman nagpapabayad kaya ayoko mangutang eh, ayaw niya pabayaran.
"Ay may hiya ka pala besh? Wag ka na mahiya kunin mo na! Kung nandito pa si Pam eh mas hindi ka makakatanggi. Gusto mo isumbong pa kita kay Pam?" Pang-aasar niya na may halong pagbabanta na isusumbong niya ko kay Pam kasunod ng pagpupumilit sakin.
Kita mo 'tong babae na 'to nambuwisit pa.
Si Pam ay matalik namin na kaibigan ni Kate. Absent si Pam ngayon dahil daw nagka-allergy siya. Katulad din niya si Kate. May kakayanan sila parehas, at sa aming tatlo, ako ang naiiba ang estado ng buhay. Kahit ganoon ay hindi nila ako hinuhuli sa kung anong meron silang dalawa.
"Oh sige na nga besh. Pero salamat huh? Lagi kayo nandiyan para sakin huhu. Wag mo na din akong isumbong kay Pam!" sambit ko naman at tinanggpap ang kaniyang alok. Marahan ko din siyang niyakap "Besh palitan ko nalang pag natanggap na itong story ko" pahabol ko pa habang inaalis ang pagkakayakap sa kanya "Nako besh, no need, hindi naman ako nagpapabayad. Dont worry, hindi na kita isusumbong kay Pamela" wika niya sa akin sabay ngiti.
Nandito kami ngayon sa loob ng classroom namin. Vacant namin ngayon kasi every Friday, after first class, vacant namin kaya nagagawa namin ang gusto naming gawin. Tutal wala naman kami ginagawa, pinag chichikahan namin ni Kate ang nangyari kanina. Napagalitan kasi ako ni Sir dahil nahuli niya ako na natutulog
Napaka sungit ni sir sakin kanina. Binigyan pa ako ng assignment, buti nalang talaga gwapo siya!
"Jusko ang gwapo talaga niya!. Ayyyyy!!! Enebeee!! I love you bebe khoooo!! Kiss meeee!" Wika ng mga kaklase kong pabebe. Namamalupot na sila sa kilig.
YOU ARE READING
My Dreams without You (On going)
Teen FictionAng istoryang ito ay patungkol sa isang babaeng walang ibang inisip kundi ang iaahon sa hirap ang pamilya niya at kung paano papasayahin ang taong mahal niya kahit hindi niya alam kung yung taong minamahal niya ay siyang talagang itinakda ni tadhana...