06

24 7 0
                                    

"Ay! Palaka." Napasigaw ako sa gulat. Ano ba yan! Parang multo, bigla-bigla nalang sumusulpot.


"Chill! Ako lang 'to." Humalagpak siya ng tawa. Amputa, pati pagtawa nakakainlove.


"Skye nga name ko! S-K-Y-E." Nakakainis na 'tong lalaking 'to ah. Sinasagad na nito pasensya ko argh!


"Gabi na ah, bakit nandito ka pa?" Tanong niya sabay upo sa tabi ko. Nuy! Pafall pero di sinasalo.


"Wala lang. Breathing fresh air, I guess?" Sagot ko.


Bango mo! Lumayo ka sa akin.


"Ahh" Sumandal siya sa bench. Tumingala siya at pinikit ang kanyang mata. Hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.


"Stop staring Miss Ateneo, baka matunaw ako." He chuckled, eyes still closed.


"I'm not s-staring!" I stuttered. Oh no! Lagi nalang ako nauutal kapag kausap ko siya.

"And I told you, it's Skye! S-K--" Pinutol niya ang sinasabi ko. How dare him!


"Okay, Skye" He's now looking at me. Shit baka malaglag panty ko! Charot lang hehe.


Binalot kami ng katahimikan kaya nagtanong din ako.


"Ikaw?"


"Ano?" Tanong niya


"Bakit ka rin nandito?" I closed my eyes.


"May binili lang ako sa convenience store and I saw you here." He answered. Gulat akong napamulat ng bigla niyang ihiga ang kanyang ulo sa hita ko.


"What are you doing?" I asked, still shocked.


"Ah, it feels nice." Binalewala niya ang tanong ko. Kapal! hmp.


"Can we stay like this for a while?" He asked, nakahiga pa rin sa hita ko.


"Uh, sure." I looked at him. Nakapikit ang mga mata. His skin is smooth and clear. I wonder what his skin care is.


"What's your skin care?" I asked out of curiosity. He chuckled. Oh my! Those adam's apple though.


"Nothing, soap I guess?" He laughed. I don't know why pero natawa na rin ako. He slowly opened his eyes kaya nagkatitigan kami. Napaiwas tuloy ako ng tingin.


"ah, I-I," Pulang-pula na siguro ako dito buti nalang gabi na at hindi niya nakikita.


"May insomnia ka?" Biglaang tanong niya. "Yep, ikaw din diba?" Balik tanong ko.


"Yeah pero inaantok na ako." I started brushing my fingers through his hair.


"Pwede naman diba?" I awkwardly asked. "Sure, it feels good though."


I saw him sleeping but I continued to brush his hair. No wonder pati ang buhok niya smooth. I looked at my wristwatch and its already 4:15 am. Intayin ko nalang mag-umaga.


"Malapit na sumikat ang araw." I whispered. Syempre hindi niya rinig kasi natutulog na siya sa hita ko. I stared at him for a moment. Bumilis ang tibok ng puso ko.


I panicked. Hala! Wag naman sana oh.


Napag-isipan kong matulog nalang din. Safe naman dito kaya okay lang.


I closed my eyes hanggang sa makatulog na ako.


-


"Hey Skye, wake up." Narinig ko ang boses ni Zaiden kaya napamulat ako. He's holding my chin. "Anong oras na?" I asked, lazily. "It's already 6:50 in the morning." He smiled.


"Ilang oras na pala tayong nandito" I stretched my arms. "Tara na, inaantok pa ako eh." Niyakag ko na siya. "Okay, let's go" He held my hands. I ignored our hands.


Habang naglalakad ay nagsalita si Zaiden. "Thank you." Napatingin ako sa kanya. "Why? Bakit ka nagpapasalamat sa akin?" I asked curiously.


"Nakatulog ako ng mahimbing dahil sa'yo" He smiled at me. "Thank you rin kasi I slept peacefully gawa mo." I smiled back at him.


We continued walking hanggang sa makapunta na kami sa lobby. "So, see you next time?" I awkwardly asked. Hindi ko alam ang sasabihin ko!!


"Sure see you next time, Skye." Umalis na siya pero nakatitig pa rin ako sa hangin. Not now, Skye. I sighed.


Sumakay na ako sa elevator at kakapasok ko palang ng pintuan ay boses agad ni Riley ang bumungad sa akin.


"Saan ka galing?" Tanong niya habang nakapamewang. Nagwawalis siya kasi nakita ko ang hawak niyang walis tambo.


Si Erick naman ay natutulog pa rin sa sofa. Ayan! Magpakalasing ka pa.


"Sa tabi-tabi lang."


---

InsomniaWhere stories live. Discover now