07

31 8 0
                                    

"Sa tabi-tabi lang." Kinakabahang sagot ko. Nakakakaba naman, kala mo nanay ko eh.


"URGH!" Sabay kaming napalingon ni Ley nang sumigaw si Erick.


"Ayoko na uminom!" Sunod niyang sinabi kaya napatawa kaming dalawa. "Kala mo lang yon pero mamaya-maya nainom ka na naman." Napairap tuloy ako.


"Pakikuha muna iyang lalaki na yan ng tubig." Pakiusap ko kay Ley. "Maliligo muna ako."


Bubuksan ko palang ang pinto ng kwarto ko para kumuha ng towel at damit nang magsalita siya.


"Hindi ka pa naliligo? Umalis ka ah." Ani Riley.


"Tinatamad pa ako. Mag-ayos na kayo, kain tayo sa labas." Sagot ko. Magsasalita palang si Ley ng inunahan ko.


"Libre ko."


-


Tapos na ako maligo at magbihis. Kinuha ko ang blower pati suklay at nagpatuyo ng buhok when a notification popped out


Zaiden Lewis Sison sent you a friend request.


My eyes widened. Pinatay ko agad ang blower at kinuha ang phone.


Si Zaiden!!


Dali-dali kong binuksan ang Facebook ko at chineck kung si Zaiden nga.


Shit! Siya nga. OMG.


Inaccept ko kaagad ang friend request nya at chineck ang profile niya sa Facebook. Tinignan ko pa ang ilang pictures niya. Stalker na kung stalker! Gwapo eh jk!


Abala ako sa kanyang pictures ng may tumunog na naman sa phone ko. Binuksan ko naman ang messenger ko ng nakakunot ang noo.


Sino naman 'to?


From: Zaiden Lewis Sison Active Now

'hi miss ateneo'


Si Zaiden uli!!


Nagtype agad ako at sinend sa kanya.


To : Zaiden Lewis Sison

'pano mo nalaman fb name ko?? and fyi my name is Skye,, ilang beses ko ba kailangan sabihin sayo??'


From : Zaiden Lewis Sison Active Now

'Woah chill there. i searched for it?? oh and i like calling you miss ateneo. its cute though :))'


Hindi ko alam pero kinilig ako sa huli niyang sinabi kaya di ko na namalayan na kanina pa pala ako nakangiti.

InsomniaWhere stories live. Discover now