09

21 6 0
                                    

Lumingon ako at nakita si Zaiden na nakangiti sa akin. Kahit simpleng white t-shirt at sweats lang 'to, ang lakas parin ng dating!


Inakbayan niya ako at hindi pinansin ang mga babaeng nasa harap ko at sabay hinigit ako papalayo.


"Are you okay? Did she say something mean to you?" Huminga siya ng malalim.


Umiling ako at pinilit na ngumiti to reassure him.


Tumango nalang siya. "I'll take you home."


Pinagbuksan niya ako ng pinto para makasay ako sa passenger's seat. Nilingon ko siya ng hindi pa rin siya umaalis sa may pintuan ng kotse. Nakatingin pa rin sa akin.


May dumi ba ako sa mukha? Bakit kanina pa siya nakatitig sa mukha ko.


"Are you sure na wala siyang sinabi sa'yo?" Kumapit siya sa pinto habang ang kaliwang kamay naman ay nasa gilid ko.


"Wala nga." I laughed awkwardly.


"Hays," He sighed. "I'm sorry dahil nadamay pa kita." He stared at me.


"It's okay, normal lang naman 'yon." I comforted him. Grabe naman kasi 'yong ex niya. Sinaktan niya pa si Zaiden. Ako nalang magmamahal dito. Joke lang di ako marupok.


Sinuot na rin niya ang seatbelt ko kaya magkalapit ang aming mukha. Hindi ako makahinga ng ayos dahil napakalapit ng mukha niya sa mukha ko.


Naaamoy ko ang mabango niya hininga. Nagkatitigan muna kami bago siya umalis at nagmamadaling sumakay sa driver's seat.


Buong byahe ay walang nagsasalita so I turned on the music para hindi masyadong tahimik. I asked him to break the silence.


"So, saan ka nag-aaral? Unfair naman non. Alam mo school ko tapos hindi ko alam 'ung school mo." Reklamo ko.


He chuckled before answering.


"Sa La Salle ako nag-aaral." Tumango-tango nalang ako. Nag-isip ako ng topic para makapag-usap kami.


"Anong favorite color mo?" I randomly asked. Sorry na wala na talaga akong maisip na topic.


"Black, you?" He asked me back.


"Light colors. Like white." I answered while looking at him. Napansin niya na nakatingin ako sa kanya. He glanced at me before smiling saka ibinalik ang tingin sa daan.


"By the way, bakit nung isang gabi lang kita nakita sa pharmacy store?" I curiously asked. Madalas naman ako sa pharmacy store pero ngayon ko lang siya nakita.


"Sarado ung pharmacy malapit sa condo ko kaya kailangan ko pa maglakad papunta rito." Iniliko na niya ang manibela papunta sa kaliwa kaya nakarating na kami sa condo ko.

InsomniaWhere stories live. Discover now