Naglakad na kami patungo sa kanyang kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka siya pumunta sa kabilang side para pumasok sa driver's seat.
"Anong gagawin natin sa mall?" I suddenly asked. Bakit kasi biglaang nag-yaya para pumunta sa mall, buti nalang maayos suot ko.
Nagsuot ako ng white sleeveless crop top with lace overlay and high-waisted ripped jeans and a pair of Adidas Superstar shoes.
Nagsuot din ako ng black belt dahil medyo plain kung walang belt.
"Seatbelt." He said seriously. Agad ko namang sinuot ang seatbelt.
He started the engine and drove the car papunta sa pinakamalapit na mall.
"Do you wanna watch a movie?" He asked looking at me. Is he asking me on a date?? No, Skye. Wag kang assuming.
"Pwede naman." I smiled at him kaya ngumiti siya pabalik. "You're paying for the tickets?" I asked him dahil ako magbabayad sa food.
"Yeah. Tingin muna tayo ng pwedeng panoorin." He said, still smiling at me. "Okay!" I exclaimed.
"So, let's go."
We're talking while walking when he started ruffling my hair.
Nakapili na kami nang papanoorin kaya pumila na kami. Nagpaalam ako sa kanya na bibili lang ako ng pagkain.
He was craving for popcorn so I bought popcorn for him. Malaki na yung binili ko, nag-crave din ako. Bumili na rin ako ng iced tea para sa aming dalawa.
"Thank you." Kinuha na niya ung dala-dala ko.
Habang nakapila kami ay biglang nagtext si Ley. Binuksan ko ang phone ko.
From: Ley's Chips
'Enjoy ka dyan ha HAHAHAH'
Kahit kailan talaga 'tong si Riley. Napailing nalang ako at binalik ang phone sa bag ko.
"Sir, girlfriend niyo po?" The cashier asked Zaiden. Ano? Girlfriend niya ako? Naubo tuloy ako sa laway ko.
Zaiden chuckled. "No, she's just a friend."
Pumasok na kami sa cinema at hinanap ang seat number. Nilagay ni Zaiden ang mga pagkain na binili namin sa gitna at umupo sa kaliwa ko. Sakto, nagsimula na yung movie.
Ano ba naman kasi 'tong si Zaiden. Andami-daming choices ng movie talagang horror pa ang pinili.
Napatingin ako sa kamay namin na nagkadikit habang kumukuha ng popcorn. Agad kong tinanggal ang kamay ko sa lalagyanan ng popcorn at nagkunwari na walang nangyare.
Nadinig ko naman na tumawa si Zaiden ng mahina pero hindi ko na pinansin.
"Hala gago!" Napasigaw ng mahina si Zaiden at sabay tinago ang mukha niya sa likod ng balikat ko. Kaasar! Ano ba kasi pabango mo! Bakit ang bango-bango mo lagi?
Tiningnan ko siya at napangiti. "Takot ka?"
Tumingala sa'kin si Zaiden at agad inayos ang upo niya. He cleared his throat and shook his head. "Ha? Sinong takot?"
Napatawa nalang ako at patuloy na pinanood ang palabas.
Nagsisisi na 'ko at eto pa ang sinuot ko. Ang lamig! Hindi ko naman kasi alam na pupunta kaming mall. Bigla-biglang nag-aya 'tong si Zaiden. I don't regret coming here, though.
Nanginginig na ako sa lamig kaya niyakap ko nalang ang sarili kong katawan. Siguro napansin ni Zaiden na giniginaw ako dahil bigla niyang hinubad ang suot niyang jacket at sinuot 'to sa akin.
Inayos niya ang jacket niya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Suot-suot ka pa kasi ng ganyan. Ayan tuloy giniginaw ka." Bulong niya sakin.
"Malay ko ba na yayakagin mo 'ko dito." bulong ko pabalik sa kanya.
-
Natapos din ang pinanood namin at nag-cr muna si Zaiden.
Hinintay ko siya sa labas at kinuha ang aking cellphone ng may marinig akong pamilyar na boses.
Agad kong inangat ang ulo ko at nakita 'yung ex ni Zaiden, kasama siguro mga kaibigan niya.
All of her friends were admittedly really pretty. Siya lang talaga kakaiba.
Napatingin naman siya sa'kin at agad akong umiwas ng tingin. Great job, Skye. Mamaya makikita mo na 'yang nasa harapan mo.
At tama nga ako. "Well, if it isn't Z's girlfriend!" Panunuya niya.
"I'm sorry, who are you?" I pretended to ask, awkwardly.
Inirapan niya 'ko at pinilit ngumiti. "I'm Kelsey, Zaiden's ex." Ayoko na, nakakairita boses ng babaeng 'to! Kunin na sana siya ng mga kaibigan niya.
"Uhmm okay?" Ba't ang tagal naman mag-cr ni Zaiden??
"How long have you two been dating?" She crossed her arms. None of your business, my god. Ba't ba interesadong interesado 'to sa amin?
"A couple of months, now." I forced a smile.
"I hope you're treating him well. When we were together-" Naputol ang kanyang sinasabi ng may nagsalita sa likod ko.
"Hey, babe!!"
---
![](https://img.wattpad.com/cover/219882111-288-k226552.jpg)
YOU ARE READING
Insomnia
Fiksi Remaja"I'm so glad that I have her, with her I'm at peace." - Skye, a girl who has sleeping problems (also known as insomnia) meets a guy who has the same sleeping disorder. They find it easier to sleep at ease when they are together. (ongoing)