"Thank you," I mouthed while we were inside the car. My eyes were focused on the road, but in my peripheral vision I saw him nod.
"Don't thank me."
"Pinagtanggol mo 'ko kay Alvido kaya tama lang na pasalamatan kita," giit ko.
Kanina pa kami nasa daan pero hindi kami nag-uusap. I can still feel the coldness, but at least he's not shouting. Sabi ko sa puso ko kakayanin ko.
Alam ko namang maaayos namin 'to ni Aaron. Siguro hindi pa ngayon dahil sariwa pa ang nangyari. But we can get through this.
We can't spend our whole married life trying to avoid each other. Eventually, we would make up and everything would be okay again. Napangiti ako nang lihim. Deep down, naniniwala parin akong mahal niya ako.
Kasi hindi naman siguro siya papayag na magpakasal kung hindi,'diba? Dati pa man marami na kaming pinagdaanan. Dito pa ba kami susuko? Kung kailan ikakasal na kami? Kung kailan magkakaanak na kami?
"Ginawa ko 'yon because it's the right thing to do and not because I care for you." Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. I wanted to get out of this car and run far away from him. Pero hindi ko magawa, instead I was sitting here looking like a lost puppy.
Nakayuko ang ulo ko. Naramdaman kong binuksan niya ang pinto niya at lumabas. Natanaw kong dire-diretso na siyang pumasok sa loob ng hotel at iniwan ako rito. I sighed and forced the pain down.
Bumaba narin ako sa kotse at hinabol siya. Humihingal na tinakbo ko ang pinaglalakaran niya at sumabay sa kanya ng paglalakad. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin.
He continued walking in the hallway with hands in his pockets. We reached the reception area.
Dumeretso si Aaron sa isang table kung saan may dalawang lalaking nakaupo. One looked bored and the other gave us a warm smile when he saw us approaching.
"Hey guys," bati ni Aaron nang nakalapit na kami sa table.
He sat directly on the chair without even bothering to pull a seat for me. Nakita ito ng lalaking ngumiti saamin kanina at binigyan siya ng glare. The guy pulled a seat for me and I politely thanked him.
"Hindi mo ba kami ipapakilala sa kanya?" asks the bored-looking guy.
Nagtaas ng kilay si Aaron. "Is it necessary?"
"Formality. Hindi niya man lang alam ang pangalan ng mga guwapo mong kaibigan," seryosong saad nito.
Aaron rolled his eyes. Nilingon niya ako na para bang napipilitan lang siyang gawin 'to bago nagsalita. "He's Naxos." Turo niya sa lalaking mukhang bored.
Naxos raised an eyebrow. "You can call me Nax, by the way." Nilingon ako ni Nax para sabihin 'yon bago siya nagpakawala ng ngiti. I smiled back.
'Yong guy na naghatak ng upuan, hindi niya na hinintay na ipakilala siya ni Aaron. He offered me his hand and I shook it. "Denver."
"Nice to meet you both. I'm Cassidy," I answered amiably.
They drank wine, nag-juice lang ako. Silang tatlo ang may-ari ng kompanyang 'to. Kakatayo lang nila nito this year at bilang selebrasyon sa pagiging successful nito ay nagpa-party sila.
I excused myself to go to the ladies room. Tinanguan lang ako ni Aaron as usual. I can't control my pee anymore that's why I had to quicken my steps. After ko umihi ay naghugas ako ng kamay at nag-retouch. Pagkabalik ko sa table ay si Denver nalang ang nando'n.
"Uhm, hey. Nasa'n si Aaron at Nax?" I asked him.
"Nasa may garden. May pinag-uusapang importante."
Tumango-tango ako at umupo sa seat ko. There was awkward silence. "You're pregnant, right?" he broke the ice.
Ngumiti ako at tumango.
"Babae ba o lalaki ang gusto mo?" tanong ulit niya. He speaks so casually na parang nawawala 'yong ilang ko sa kanya.
"I want a girl. Siyempre para magkasundong-magkasundo kami sa lahat ng bagay,'di ba?" sagot ko.
Naputol na do'n 'yong usapan. Maya-maya ay may tumawag sa kanya and he politely excused himself. I decided to look for Aaron and Nax. I headed towards the hotel garden. I spotted the two seated on a wooden bench.
May dala pang isang wine glass si Aaron na ngayon ay sinisimsim niya ang laman. Nakatalikod 'yong bench, meaning hindi nila ako nakikita ngayon. Naglakad ako papunta sa kanila nang mapatigil ako dahil sa pinag-uusapan nila.
"Alam mo palang nasasaktan mo na siya, bakit ganyan mo parin siya pakitunguhan? Mahal ka naman pala, pre," saad ni Nax.
Aaron was silent for a while then he let out a sigh."I don't know what to do anymore. Alam mo ba minsan, naiisip kong 'wag na lang ituloy ang kasal. Kesa naman hindi ko siya siputin sa altar 'diba? That would hurt more."
Natuod ako sa sinabi niya. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang sandaling 'yon.
Bakit? Ano na namang problema?
"Nabuntis mo kaya obligado kang pakasalan 'yon! Don't be a coward, face your obligation. Hindi 'yong tuhog-kalimot," Nax reprimanded.
Inubos naman ni Aaron ang wine sa glass niya at huminga nang malalim.
I waited for his answer, I waited for him to say something. Anything at all.
"Nax, hindi ako mapakali..."
Nakabitin 'yong sinabi niya sa ere. Nanahimik silang dalawa bago niya itinuloy.
"What if that child isn't mine?"
Para 'kong binagsakan ng langit at lupa sa tanong niyang 'yon. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang sarili ko sa paghagulgol. Ganoon ba talaga ang tingin niya sa akin? Tingin niya ganoon ako karumi para magkaro'n ng ibang tatay ang anak ko?
This is too much. Nakaya ko no'ng pinagdudahan niya ang katapatan ko sa kanya, pero ang pagdudahan niya ang katauhan ng anak namin? Hindi ko na yata kayang palampasin.
Nanginginig na nakatingin parin ako sa likod nilang dalawa ni Nax. 'Yong puso ko durog na durog lang dati. Ngayon mas lalo pang pinino ang pagkadurog.
I can't do this anymore. This is all too much. He's too much. Hindi ko na kaya pang panoorin silang dalawa.
Everything has it's own breaking point, and as I ran away from this place, I realized that I've also reached mine.
BINABASA MO ANG
Owned by a Billionaire (Monteverde Series 1)
RomanceCassidy Hurdiss intentionally broke the heart of the one man who has always loved her. She had to set him free so he could fulfill his lifelong dream to be a successful business tycoon in New York City. Four years later, Aaron Ceyx Monteverde come...