53

360K 6.6K 347
                                    

The next day, I busied myself with cleaning the house

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The next day, I busied myself with cleaning the house. Aaron stepped towards me, may hawak siyang bimpo and he used it to wipe the sweat off my face. Seryoso siya habang nagpupunas, kaya tinaas ko ang mga kamay ko para abutin ang nakakunot niyang mga kilay.

He said, "What are you doing?"

Hindi ko inalis ang mga kamay ko sa mga kilay niya. I straightened them. "I'm trying to uncrease your brows. Why are you always wearing a permanent scowl anyway? Manang-mana sa 'yo si Xander."

I can't help but sigh when I thought of the twins. I miss them a lot and I have no doubt that they miss me too. At si manang, pati si Drei. They're probably out of their mind with worry.

"What's wrong?" tanong ni Aaron bago niya inilapag ang bimpo sa table.

Napayuko ako. "Kelan tayo babalik? Nag-aalala na sila do'n. Lalo na si manang."

Napangisi si Aaron.It was my turn to furrow my brows. "Why are you smirking?"

And then it dawned on me. "God, kasabwat mo siya!" Natawa siya bago tumango. Hindi ko napigilang sapakin ang braso niya.

"What about the surveillance camera in the subdivision?" He looked proud. "Deactivated. Manang told Drei you decided to go to the province to think.You should talk to that guy once we get home. Ayokong umasa pa siya sa 'yo. Better be straight forward with him than prolong his agony," Aaron suggested in a stern voice and all I could do was nod in agreement.

Last night, Aaron took the engagement ring out of my finger. He put it atop the bedside table and we left it there. He told me that he doesn't want to see me wearing an engagement ring if it wasn't from him.

"Drei is a good man. I think he will understand," I said after a while of silence.

Aaron snorted and turned his attention back to the phone on the table. He smirked as if thinking of something naughty.

Aaron played with my hair. He was unusually silent so I nudged him. "Ano'ng iniisip mo?"

"Pangalan ng susunod na anak natin."

Natatawang hinalikan niya ako. "Ang brutal mo naman! Pasalamat ka talaga mahal kita."

I stuck my tongue out. He chuckled as if he found the gesture cute. He stood up from the bamboo sofa and I did too.

"Puntahan natin si Aling Pacing," he suggested at tumango lang ako.

We exited the house with our hands locked. Nilagay ni Aaron ang kamay niya sa bewang ko."Possessive," I bantered but he just frowned.

"Baka may magkagusto sa 'yong iba. Mahirap na. Dapat alam nilang may nagmamay-ari na sa 'yo."

I can't help but laugh. "Seriously? At sino namang magkakagusto  dito, aber? Ang mga puno ng pili?"

Napangiti ulit ako. Hindi na ako nagsalita dahil nasa tapat na kami ng porch nina Aling Pacing. Kumatok siya sa pinto and Aling Pacing opened the door for us. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako. Napalabas siya ng bahay at in-adjust niya ang salamin sa mga mata niya.

"Cassidy, hija? Ikaw ba talaga 'yan?"

Nakangiting tumango ako.

Niyakap niya ako agad at sumigaw ng, "Carding! Carding, lumabas ka r'yan at nandito si Cassidy. Dali!"

Nakahalukipkip lang si Aaron habang nakangiting pinanonood kami. Nagmamadaling lumabas si Mang Carding at gulat na napatingin .

"Aba'y nandito ka nga? Kamusta hija?"

"Okay lang naman po. Na-miss ko po kayo."

"Na-miss ka rin namin! At dahil diyan ay magtatanghalian tayo ng alimango at bangus. Tara sa ilog, hijo!" nakangiti nitong sabi bago binalingan si Aaron.

"Kunin ko na ho ang panghuli sa likod para makaalis na  tayo agad," sagot ni Aaron bago pumunta sa likod-bahay nina Aling Pacing.

Si Aaron hindi umalma na mangisda?

Maya-maya ay nakita ko ulit siyang bitbit na ang panghuli at isang timba. Umupo kami ni Aling Pacing sa mahabang bangkong kahoy sa labas ng bahay nila. Aaron set the fishing equipments down and walked towards me.

"I'll be back before you know it. I love you." Hinalikan niya ako sa noo bago pumunta sa kinaroroonan ni Mang Carding. Pinulot nila ang mga gamit at naglakad na palayo.

"Mag-ingat ka, Aaron!" pahabol kong sigaw.

"Mabuti naman at bumalik ka na. Palagi kong tinatanong si Aaron kapag nandito siya kung bumalik ka na, pero hindi ang lagi niyang sagot." Saad ni Aling Pacing.

"P-pumupunta po siya rito?" nagulat kong tanong.

Tumango-tango si Aling Pacing. "Oo. Isang beses kada dalawang buwan. Isang linggo siya rito, tapos babalik na ulit siya sa trabaho niya."

"Pasensiya ka na sa nagawa ni Aerold, ha? Hindi ko akalaing magagawa niya 'yon. Hindi naman namin siya pinalaking ganoon." Dagdag niya.

Nanuyo ang lalamunan ko. "O-okay na po 'yon. Si Aaron po ba ang nagsabi niyan sa inyo?"

She shook her head and looked at her gnarled hands. "'Yong tungkol sa totoong estado ninyo sa buhay at 'yong paghihiwalay ninyo, oo. Pero 'yong dahilan kung bakit kayo naghiwalay ay kay Aerold ko nalaman. Dumalaw siya rito no'n at inamin niya ang nagawa niya. Nagalit kami sa kanya, siyempre. Dahil hindi namin akalaing magagawa niya 'yon."

"Kalimutan nalang po natin 'yon. Ang mahalaga, maayos na po kami ni Aaron ngayon."

"Masaya ako na ayos na kayo. Mabubuo na ang pamilya niyo lalo pa't may supling kayo. Nako, Cassidy, simula no'ng umalis ka, pababalik-balik 'yan dito sa Bicol. Binili niya na nga 'yong bahay na pinaparentahan ko.  Ang laki ng halagang binigay. Tinanggihan namin ni Carding pero mapilit. Hindi ko nga maintindihan diyan kay Aaron no'ng una kung bakit ayaw niyang ipagawa. Luma na ang bahay at may pera naman siya. Tinanong ko siya tatlong taon na ang nakakalipas, at ang sagot niya  ay dahil daw marami kayong alaala riyan."

Napangiti ako. Aaron really does love me.

"Ano naman po'ng ginagawa niya sa isang linggong pamamalagi niya rito?"

"Madalas sumasama siya kay Carding mangisda para may magawa naman daw siya. Minsan tinutulungan niya rin sina Toto sa babuyan, saka nakikiakyat din siya sa puno para mangolekta ng pili."

My eyes bulged. To imagine the billionaire fishing was hard to believe. To find out that he helps in the piggery and climbs pili trees is even harder to take.

Aling Pacing laughed. "Oo, no'ng una nga ayaw namin siyang pasubukin. Pero mapilit. Kaya ngayon ang bilyonaryong patay na patay sa 'yo ay magaling nang maglinis ng kulungan ng baboy, manghuli ng mga dalag, at mangolekta ng pili."

Inabot ni Aling Pacing ang kamay ko at pinisil ito. "Alam mo ba, natandaan ko dati, tatlong taon na 'yon simula nang umalis ka. Inukit niya'yong pangalan mo sa isang puno ro'n malapit kina Nestor."

Natatandaan ko na si Mang Nestor ay 'yong chairman.

"Tapos tinanong siya ni Carding kung bakit hindi nalang siya magmahal ng iba, tutal tatlong taon naman na ang nakakalipas..."

Napangiti si Aling Pacing. "Wala na raw puwang pa sa puso niya para magmahal ng iba."

Owned by a Billionaire (Monteverde Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon