48

350K 6.4K 470
                                    

"Are you okay?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Are you okay?"

I'm not okay. Nothing is okay. But instead of saying all those, I gave Drei the best smile I could come up with. He says I've been acting weird lately.

"Look, sweetheart. If it's because of me shouting at you last week, then sorry. I didn't mean to. I was carried away-"

"Drei, ikaw na 'yong nagsabi, last week pa 'yon. Hindi na ako galit." This time totoo na ang ngiting ibinigay ko sa kanya. Ayokong hayaan si Aaron na tuluyang mapaglaruan ang mga emosyon ko.

Isang linggo ko nang kinukumbinsi ang sarili ko na tigilan na ang kabaliwan ko. Isang linggo narin siyang busy. Ang dami niya kasing naiwang trabaho no'ng mga nakaraang araw dahil puro ang kambal ang inaasikaso niya. Kung hindi lang talaga urgent ang problema ng kompanya ay malamang babad parin siya sa kambal.

I should stop thinking about him and worrying about him. He's ruining me, dammit. At hindi na mabuti 'to. Mahal ko si Drei at siya dapat ang iniisip ko.

Itinaas ni Drei ang mukha ko at hinalikan ako. I kissed him back and it feels good.

"I love you," he said after breaking the kiss.

"Me too," sagot ko. Nararamdaman ko naman na mahal ko siya, pero ang gulo.

Nasa kuwarto niya kami ngayon, katatapos lang namin manood ng movie.

"I love lazy evenings with you." Hinaplos niya ang buhok ko at napangiti ako. Inaantok ako sa ginagawa niya, e.

Para bang ito nalang ang gusto kong gawin, ang matulog. Kasi 'pag tulog, panandalian mong natatakasan ang mga bagay na bumabagabag sa 'yo.

Nakatulog ako sa kuwarto niya. Pagkagising ko kinabukasan ay wala na siya sa tabi ko. Kinusot ko ang mga mata ko bago bumaba. Naabutan ko si manang na nagluluto.

I knitted my brows. "Manang, ba't ikaw ang nagluluto? Where's Drei?"

Nagkibit-balikat siya. "Umalis na naman nang maaga. Hindi naman nagsasabi  kung saan pupunta."

Nagtaka ako. The last few days, palaging nawawala sa bahay si Drei. Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta. Kapag tinatanong ko naman, isa lang ang palagi niyang sagot. Dumalaw sa kaibigan.

Ayaw ko naman siyang pagdudahan dahil hindi siya ganoong tipo ng tao. Tumango nalang ako at umakyat sa kuwarto ng kambal. They were sleeping soundly.

Hinalikan ko silang dalawa sa noo bago muling bumaba. Naglinis muna ako ng sala para malibang naman and just to kill time.

"Sa'n ka galing?" salubong ko kay Drei pag-uwi niya.

Nagtaas siya ng tingin  tapos umiwas ng tingin. Now he's acting weird.

"May inasikaso lang," simpleng sagot niya.

Umupo ako sa silya sa tapat niya. "Ilang araw na 'yan, ha."

Owned by a Billionaire (Monteverde Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon