50

363K 5.9K 524
                                    

I shifted uncomfortably

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I shifted uncomfortably. Unti-unti akong nagdilat ng mga mata, hoping that everything was a dream, but it wasn't. Nahihintakutang isisiksik ko sana ang sarili ko sa gilid ng sasakyan nang makitang may dalawang lalaking naka-all-black sa magkabilang gilid ko.

Merong nakasuot sa ulo nila kaya mga mata lang ang nakikita ko. May isa pang lalaking ganoon din ang ayos na nagda-drive nitong van.

"S-sa'n niyo ako dadalhin?" Hindi na ako mayaman, kaya kung hihingi sila ng ransom money ay walang maibibigay.

They didn't answer. Na-realize kong hindi nila ako itinali o kung ano man. But that didn't calm me. Nanginginig parin ako.

Nakita kong nagdidilim na. Sa'n nila ako dadalhin? Ilang oras akong walang malay? Tumawag na kaya ng pulis si Drei?

"Hindi ako mayaman. Pakawalan niyo na ako. Hindi a-ako magsusumbong sa pulis," takot na takot kong pagmamakaawa, pero nanatili silang bingi sa sinasabi ko.

My whole body trembled.

"P-please. May mga anak po ako. Dalawa. Mag-aalala sila . Siguro naman ay may pamilya rin kayo..."

Lumingon 'yong lalaking nasa driver's seat at tumango sa lalaking nasa kanan ko.

May kinuha ang lalaki sa backseat at iniabot ito sa akin. My tears stopped from falling at gulat akong napatingin sa nilapag na Mcburger sa harap ko. The guy shoved it in my hands as if coaxing me to eat.

Hindi ko pinansin ang pagkain at tahimik lang akong umiiyak. Ngunit lumipas ang ilan pang mga oras ay hindi parin tumitigil ang van. Namimilipit na sa sakit ang tiyan ko.

Nanginginig na pinulot ko ang malamig nang burger at kumagat dito. Basta lang malamnan ang sikmura kong kanina pa kumakalam. Pagkatapos kong kumain ay tiningnan ko ang mga kidnappers ko.

Nang makita ng nasa tabi ko na tapos na akong kumain ay sumandal siya sa headrest at pumikit. Wala  ang atensiyon nila. Ang isa pang lalaking katabi ko ay nakatingin sa labas.

I looked at the car door. I have to escape. Kailangan kong makalayo sa kanila. Kailangan ko lang bilisan ang mga kilos ko. I wasn't a hundred percent sure my escape plan would work, but I'm desperate right now.I have two kids and I can't die yet. Being hopeless is not an option right now.

I leaned forward and opened the car door on the right. Nabigla ang kidnapper sa kanan ko kaya hindi siya agad naka-react. Nabuksan ko ang pinto ng kotse at nagmamadaling tumalon palabas. I was about to run when an arm wrapped around my waist. Sinugod ng kaba ang puso ko.

Nagpupumiglas ako pero ang lakas niya. I looked around at nakita kong madilim at lubak na kalye ito. Puro puno at walang gaanong tao. Pero sumigaw ako. "Tulong! Tulungan ninyo ako! Anyone, help me please—ooomphhh."

Naramdaman ko ang paglagay ng panyo sa bibig ko. Ang mismong panyo na malamang ay ginamit nila  kanina kaya nawalan ako ng malay. Nasinghot ko na naman ito at nahihilo na naman ako.

Owned by a Billionaire (Monteverde Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon