Kabanata 1
Marahas na tumama ang pinto sa pader at nilukob ng ingay niyon ang buong sulok ng silid. Natigil ako sa pagkilos ngunit nakabawi rin at gumalaw ulit para tumakas.
"Don't dare move!" Napalunok ako sabay pikit. Tutuloy ako! Tutuloy pa rin ako!
Mabilis kong iniapak ang kanang paa sa labi ng bintana at nakahanda ng tumalon ngunit nahila naman ako pabalik mula sa likod. Mahigpit na nakapulupot sa aking bewang ang matitipunong bisig ng lalaking kamakaylan lang ay ako ang dumukot at bumihag.
Marahas niya akong binagsak sa kutson ng kama. Dumagundong sa dibdib ko at mas lumala pa ito ng nasalubong ko ang nanlilisik niyang abuhing mga mata.
"Wala kang karapatan upang ikulong ako dito! Bakit hindi mo pa ako ibinigay sa mga pulis?" Umamba akong uupo ngunit tinulak niya rin ako pabalik.
At iglap lang ay nasa ibabaw ko na siya! "Anong gagawin mo? Umalis ka!" Mabilis ang paghinga ko gawa ng pagpalag. Dumapo ang kaba sa aking dibdib. Ano ang binabalak nito? Kailangan ko ng makaalis!
Ika-dalawang araw ko na ngayong nakakulong sa apat na sulok ng silid na ito at wala akong ediya kung nasaang lugar na nga ba ako. At nababahala na rin sa sitwasyon ng papa. Hindi ako mapakali mula pa kahapon at gustong-gusto ko na siyang makita. Gusto kong malaman kung nasa maayos na sitwasyon pa rin ba siya pagkatapos kong pumalpak sa misyon at nabaliktad pa ngayon. Imbes na itong lalaking ito ang dapat na nakakulong ay naging ako na!
"I have my own law! Sa akin ka nagkasala at sa akin ka rin dapat managot!" Umigting ang mga panga nito at ang mga mata ay nagliliyab na rin sa galit. "Now tell me about your boss, woman! Who is he?"
"H-hindi ko-"
"Shit!" Napabaling ako sa kanan ng akma niya akong sampalin.
Gumalaw ako at tinulak siya mula sa dibdib ngunit sadyang matigas siya. Nakadagan ito sa akin kaya hirap akong igalaw ang balakang ko upang sipain siya mula sa likod. Paano ako tatakas? S-si papa? Paano si papa? Buhay pa kaya siya gayung pumalpak ako?
"Parang-awa mo na pakawalan mo muna ako ngayon." Naiiyak na ako at ang pagmamakaawa na lang ang tanging paraan na naiisip ko sa ngayon. "Pangako pananagotan ko ang kasalanan ko sayo. Pagbigyan mo lang ako kahit ngayon lang. Sinisiguro kong babalik ako rito-"
"Stupid! Anong akala mo sa akin uto-uto? Tanga? Na mapapaniwala mo ulit? Kung napaniwala mo ako noong araw ng kasal ng pinsan ko, puwes ngayon hindi na! Hindi mo rin alam ang lugar na ito kaya huwag mo akong maluko-luko, puta ka!" Marahas nitong pinunit ang pang-itaas ko kaya mabilis ko itong nasampal.
Damuho!
"Bitch!" Lumagapak naman ang palad nito sa mukha ko bilang ganti.
Masakit at pakiramdam ko ay mas masakit pa ang sampal na ito sa una't huling sampal na natanggap ko mula kay Mister Orcel. Matinding galit, iyon ang nababanaag ko sa kanyang abuhing mga mata ng sunod nitong sinira ang paldang suot ko. Ang palda na suot-suot ko mula pa noong isang araw. Sumunod niyang pinunit ang shorts ko at mumunting piraso na lamang ng tela ang natitira ngayon na tinatakpan lamang ang maselang parte ng aking katawan.
Tumindi pa ang kaba na nararamdaman ko. At bukod tangi ang kabang ito. Iba sa nararamdaman ko sa tuwing nasa puder ako ni Mister Orcel.
"A-anong gagawin mo sa'kin?" Hindi ko na naitago ang nginig sa aking boses ng sumunod nitong alisin ang telang tumatakip naman sa dibdib ko.
Papa! Kinikilabotan ako at nanlalamig na. Gusto ko ng umiyak o kahit ilabas manlang ang isang impit na hikbi.
Huwag! Boses na hindi ko maisatinig.
BINABASA MO ANG
His Prisoner (Buenavista Cousin's #2)
General FictionHarley Buenavista #515 in filipino