Kabanata 2
Pang-apat na araw ko na ngayon bilang bilanggo ni Harley Buenavista. Kahapon ay sinuyod ko ang buong sulok nitong silid upang makahanap ng malulusotan sa pagtakas. Ngunit nabigo ako. Walang kahit ni isang butas akong nakita na pupwedi kong lusotan o di kaya ay yung maliit man lang na pwede kong palakihin para magkasya ako. Pero bigo ako. Lahat rin ng bintana nitong silid ay may harang maging ng maliit na bintana sa banyo.
Tingin ko ay sinadyang gawin ang buong silid na ito upang maging kulongan. Parang inihanda na ito pagdating ng araw na may ikukulong si Harley dito. At sa tingin ko ay nakalaan ito sa akin.
Nakakapanghina ng loob dahil ni isa sa mga binuo kong paraan sa pagtakas mula kahapon ay walang natupad. At ngayon ay halos blangko na ang isipan ko. Wala parin akong makuha ni isang ediya at paraan sa muling pagtakas mula dito sa dalawang palapag na bahay na ito. Kahit na ulit-ulitin ko pa ang pagsusuri sa buong silid wala rin kahit ni isang gamit na pupwedi kong gamitin pambasag man lang sa bintana o ng pinto.
Kahit noong umalis si Harley kahapon para bumalik ng maynila ay siniguro niyang hindi ako makakaalis ng silid na ito. Iniwanan niya lang ako ng tatlong supot ng pagkain at inumin para sa tanghalian at haponan.
"Uuwi ako ng manila ngayon. Babalik rin ako bukas ng umaga para maghatid ng pagkain mo. At sana bukas na bukas ay mabibigay mo na ang sagot sa mga tanong ko." Anya at sinuyod ng tingin ang buong sulok ng silid.
Noong nagtungo na siya sa banyo ay dagli akong tumayo mula sa kama at tinakbo ang pinto ngunit bigo ako ng hilain niya ako pabalik. Ang bilis niya akong nahabol!
Sa inis ko ay napasigaw na lang ako! "Buwesit ka!"
Binagsak naman niya ako sa kama bilang ganti siguro sa nasabi ko. Bahagya rin siyang tumawa at tinaasan ako ng kilay. "Pinapahirapan mo lang ang sarili mo! Mabuti pa ikain mo na lang 'yan." Pumalatak siya at tumalikod na patungong pinto. Pero bago pa man niya buksan iyon ay lumingon uli siya sa akin.
"Hanggang mamayang gabi iyang mga pagkain." Turo niya sa mesa na pinaglagyan niya ng mga supot. "Kung gusto mong maligo, maligo ka. Pero tuwalya lang ang meron ako sa banyo. Dadalhan na lang kita ng maisusuot mo bukas." Iyon lang at lumabas na siya at pabagsak na sinara ang pinto.
Alam kong kinandado niya rin iyon. Dahil sa tuwing lalabas siya nitong silid ay tinitiyak niyang naka kandado ang pinto!
Nagpakawala ako ng hangin at saglit na tumunganga bago naisipang maligo. Wala rin akong ibang magagawa kung hindi ang maligo na lang at kumain. Baka bukas ay may ibang paraan na para tumakas.
Pagkatapos maligo ay itinapis ko na lang ang maliit na tuwalyang naroon sa banyo at bago lumabas ay nilabhan ko na lang ang bra at panty na ilang araw ko na ring suot.
Lahat ng pinaglagyan ng pagkain ay gawa sa plastic at papel maging ang mga kubyertos na hindi ko magagamit bilang proteksyon. Hindi ko magagamit ang mga ito sa pagtakas!
Sa pagod ko gawa ng pagtakas kahapon ay nakatulog ako ng maaga kagabi. At nagising rin ng maaga kanina.
Alas-kuwatro ng magising ako at sinuri muli ang bawat sulok ng silid at naghanap ng paraan ngunit bigo pa rin ako katulad ng kahapon. Mabigat ang pakiramdam na humiga na lang uli ako at nagbalot ng kumot dahil rin sa subrang lamig. Saka niyakap ang bakanteng unan na katabi para maibsan ang ginaw na nararamdaman.
Dinalaw uli ako ng antok pero bago pa man tuloyang makatulog ay narinig ko ang paggalaw ng siradora ng pinto. May pumipihit nito pabukas. "Si Harley, malamang..." Bukod sa kanya ay wala naman sigurong ibang tao ang magbubukas ng pinto nitong silid. Walang ibang tao sa bahay na ito kung hindi kami lang. Mataman akong nakatingin roon at nag-aabang ng papasok.
BINABASA MO ANG
His Prisoner (Buenavista Cousin's #2)
General FictionHarley Buenavista #515 in filipino