Kabanata 9

97 10 0
                                    

Kabanata 9

Umaga na ng makabalik kami sa bahay ni Harley. At malaya ko ring napagmasdan ang buong tanawin ng kinaruroonan naming isla. Ang ganda ng kabuohan nito at wala akong mapipintas maliban sa dahilan ng pamamalagi ko rito. Maging ang tubig dagat nito ay ang linaw at nakakaakit. Hindi ko naman ito maikukumpara sa lugar ni Mister Orcell dahil hindi ko pa iyon nalilibot ni minsan maliban sa loob ng bakuran nito.

Sa tagal ng inilagi namin roon, ang hirap paniwalaan na ni minsan hindi namin naisipang tumakas o pagtraydoran si Mister Orcell. Dahil din siguro sa takot sa kanya at sa tapat niyang mga tauhan. Karamihan sa amin na nasa kanyang puder ay pinangakoan niya ng trabaho katulad ng pangako niya kay papa. Pangakong hindi naman totoo. Wala kaming sahod, pinagmamalupitan, ginagawang alipin, hindi malaya at higit sa lahat ginagawang puhonan ang mga dalaga sa amin! Mabuti na rin 'yong wala na siya. Dahil kahit kulongan ang binagsakan ng karamihan sa amin ay mas maigi pa iyon kumpara sa kulongang gawa niya mismo.

Ayon kay Harley may pag-asa namang makalaya ang lahat ng hinuli nila kagabi pero depende rin. Baka daw matagalan yung iba sa paglaya. Depende sa kasalanan ng bawat isa at kung magbabago nga habang nasa piitan, anya.

Sana nga... Sana ay makalaya kaagad si papa dahil alam kong inosente siya. Nasasabik man akong makasama siya ay kailangan muna naming magtiis. Kailangan naming pagbayaran ang mga kasalanan namin. Siya sa batas at ako naman ay kay Harley!

"Abi." Tawag atensyon ni Harley. Nilingon ko naman siya. "Hindi ka naman siguro tatakas dito o magbabalak na patayin pa ako?"

May kaunting ngiti sa kanyang mga labi pero naniniguro pa rin ang kanyang mga tingin.

Kasalukoyan akong nasa sala ngayon at siya naman ay tumungo agad sa kusina pagkarating namin. Nagluluto siya ng agahan.

"Patay na si Mister Orcell at nakakulong naman si papa. Hindi ko rin alam kung papaano aalis sa islang ito. Hindi ko rin alam kung saan nakakulong si papa ngayon. Tanging ikaw lang ang may alam niyon kaya bakit kita papaslangin?" Taas kilay kong sabi sa kanya at tumayo para pumasok rin sa kusina.

"Good to hear that, pero hindi ako dapat na maging kampanti lang." Anya na nakasunod sa akin.

"Bahala ka." Walang paki kong sagot kahit hindi ko naintindihan ang iba pa niyang sinabi. "Pipritohin mo 'tong itlog 'di ba?"

"Oo."

Ako na ang gagawa. Bukod sa pritong hotdog ay may pinaiinitan din siyang tinapay. Nasa apat na itlog ang hinanda niya. Isa-isa kong binati sa kawali ang dalawa hanggang sa matapos ako. Yung huling dalawa ay pinagsabay ko at malasado lang ang pagkakaluto ko niyon. Lalagyan ko ito ng toyo at ketchup mamaya.

Nang matapos sa ginagawa ay nilinis ko muna ang kalat at pagkatapos ay hinanda ang almusal namin. Nagtimpla siya ng kape niya at naupo sa hapag. Tubig lang ang iinomin ko, gusto ko pa kasing matulog uli.

"Gusto mo?" Alok ko sa kanya noong tinapay na nilagyan ko ng ginawa kong itlog na may ketchup at toyo.

"Anong lasa niyan?" Tanong niya pero inabot pa rin ang tinapay.

"Masarap." Kibit balikat kong sagot at sinimulan ng kumain. Kinain naman niya ang bigay ko at naubos pa nga. Ibig sabihin ay nagustohan niya.

"Nga pala, ikakandado mo pa rin ba ang silid ko sa itaas?"

"Hindi na."

"Eh, don sa labasan?" Maligaya kong dagdag tanong at tinuro ang bandang labasan.

"Hindi rin?" Nanghihinala ang tingin niya. Pero ako naman ay nabuhayan ng loob sa mga narinig.

His Prisoner (Buenavista Cousin's #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon