Kabanata 4

108 11 1
                                    

Kabanata 4

"Papa? Papa!"

Naramdaman kong may humawak sa magkabila kong braso kaya nawala sa paningin ko si papa. Napalitan ng dilim. Hanggang sa inalog-alog ako at nagdilat ng mga mata. Panaginip lang...

"Hey? Are you alright?" Kunot noo siyang nakadungaw sa akin at inabot ang noo ko. Bahagya akong lumayo at ako na mismo ang humawak at kumapa ng noo ko.

Pinagpawisan ako. Maging sa leeg ko ay meron din. Sa panaginip ko, tumatakbo si papa palayo sa akin at may kalong siyang bata na umiiyak. Siguro dala lamang ng matinding pag-aalala kaya ko siya napanaginipan.

Kamusta na kaya siya ngayon? Ano na kayang lagay niya? Kapit lang po papa... Babalikan ko po kayo!

"Ayos ka lang? Sumisigaw ka ng papa kanina." Anya at halata ang pag-aalala sa kanya.

Umiwas ako ng tingin at marahang umupo. "Ayos lang ako."

Nasa silid niya pa rin ako at nasa kanyang kama. Habang siya ay nasa gilid ko, nakaupo at nakadungaw sa akin.

Inilibot ko ang paningin sa buong silid, hinahanap sina Elodie pero wala sila rito. Nasa labas siguro? Kami lang ang nandito.

"Nasaan sila?" Hindi ko napigilang itanong.

"Umuwi na kanina lang habang tulog ka."

Nanghinayang ako. Saglit lang sila dito pero gumaan ang pakiramdam ko kay Elodie noong kinakausap niya ako.

"Gabi na rin at hindi ka pa kumakain. Kaya hinatiran na kita ng pagkain mo dito." Anya at kinuha ang may kalakihang tray sa mesa na nasa gilid lang ng kama. "Pagkapasok ko pa lang kanina ay sumisigaw ka na." Dagdag pa niya at maingat na nilapag ang tray sa gilid ko.

Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. Tinuwid ko na lang ang pag-upo.

"Bakit ka sumisigaw? May nangyari bang masama sa papa mo na hindi mo malimot? Kaya mo siya napanaginipan?"

Paniguradong sumasagap lang siya ng impormasyon. Pero buo pa rin ang loob ko na hindi magsasalita!

"Panaginip lang 'yon. Huwag ka ng magtanong!" Baling ko sa kanya. Tinaasan naman niya ako ng kilay at may pumaskil ring ngiti sa kanyang labi. Tila pinagtatawan ang naging sagot ko!

"Silly!" Palatak niya.

Natahimik kami saglit hanggang sa bumuntong hininga siya.

"Okay... Kumain ka na, baka lumamig pa yung sabaw."

Tiningnan ko muna siya bago pinansin ang pagkain.

"Ikaw?" Wala sa sariling tanong ko.

"Tapos na ako, para sayo lang 'yan... Kumain ka na." Tumango na lang ako at kinuha ang mga kubyertos para simulang kumain.

Naiilang man sa presensya niya ay pinilit ko pa ring galawin ang mga pagkain dahil gutom na rin ako.

"Enjoy your food. Sa sala lang muna ako." Anya. Mabilis akong tumango at tumalikod na siya patungo sa pinto.

Buti naman...

Tinolang manok, pritong isda, kanin, isang baso ng juice, isang maliit na pitsel na may malamig na tubig at may kasama pang panghimagas ang laman ng tray. Natakam ako, lalo tuloy akong nagutom.

Wala naman na kaming ibang kasama dito sa bahay niya... Siguro siya ang nagluto nitong lahat?

Pinagpaliban ko na muna ang pagtakas.

His Prisoner (Buenavista Cousin's #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon