Kabanata 7

103 10 0
                                    

Kabanata 7

Nagdaan pa ang ilang mga araw, halos mag da-dalawang linggo na rin. At hindi ko pa napapaslang si Harley. Mukhang nawawala na ako sa konsentrasyon!

Nasasabik na rin akong makita si papa. Kamusta na kaya siya ngayon? Siguro hinihintay niya rin ang resulta nitong binigay na misyon ni Mister Orcell. At inaabangan ang pag-uwi ko. Tama bang tawaging pag-uwi iyon? O mas maiging, kusang loob na pag-balik sa kulongan?

Naputol ako sa pag-iisip ng bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Harley na halata ang pagmamadali sa ikinikilos.

"I'm leaving, for maybe a day or two." Seryuso niyang sabi na ikina-kunot ng noo ko.

Panay ingles niya, hindi pa rin ba niya alam hanggang ngayon na hindi ako nakaka-intindi nun?

Nagpakawala siya ng hangin at pagod akong tiningnan. "Aalis ako, at hindi ko ikakandado ang kuwarto mo, pansamantala... Malaya kang makakagalaw sa buong bahay pero hindi ka pa rin makakalabas. And I had paid someone to watch you from a far while I'm still not around... Just to make sure you won't escape. Ikakandado ko pa rin ang labasan. Kaya habang wala ako, ikaw na muna ang umasikaso ng sarili mo." Anya at sinuri pa ako bago tuloyang umalis.

Naiwan akong nakatingin pa rin sa pinto bago rumehistro sa isipan ang lahat ng kanyang sinabi maliban sa mga banyagang salita.

Malaya akong makakagalaw pero hindi ko naman siya mapapaslang! Mahalaga siguro ang pupuntahan niya kaya ganoon na lang ang itsura niya kanina. Tumayo na lang ako mula sa kama at maligayang lumabas ng silid.

Bukod sa silid na nilabasan ko ay may dalawa pang silid. Ang isa, pagkakatanda ko, doon ako unang kinulong ni Harley. Hindi ko mabuksan iyon maging ang isa pang silid. Bumaba ako at pinuntahan naman ang kuwarto ni Harley pero sarado iyon katulad ng dalawa sa itaas. Bukod sa kuwarto niya ay kusina, sala, at hapag-kainan na ang kumain ng espasyo nitong ibabang palapag.

Nagtungo ako sa kusina at inilang hakbang ang unang nakakuha ng pansin ko, ang ref. Binuksan ko ito at kumuha ng makakaing prutas. Punong-puno ng laman ang kanyang ref, may hilaw na karne at isda rin sa itaas nito. Dinukot ko ang isa sa mga mansanas na naroon at kumuha ng naka plastic na inumin saka ito sinara. Bitbit ko iyon hanggang sa hinanap ko ang labasan. Kahit na sinabi ni Harley na ikakandado niya ito ay pinihit ko pa rin pababa ang siradora. Sarado nga!

Tinungo ko na lang ang malapit na sala at ikinain na lang ng dalang mansanas ang panghihinayang. Maganda sana kung nakakalabas ako. Gusto ko kasing magtungo rin sa dagat. Ano kaya ang pakiramdam pag naliligo roon? Ako kasi ni minsan hindi ko pa nagagawang maligo ng dagat, pwera sa ilog. Sa estado namin sa buhay ni papa, malabo nang maipasyal niya pa ako. Lumaki ako sa probinsya at halos wala din kaming kapit-bahay noon. Sariwa ang hangin pero malungkot pa rin ang buhay sa bukid.

Gayon pa man, kahit ganoon ang naging buhay namin ni papa noon... Hinding-hindi ko 'yon ipagpapalit sa kung ano man ang naging buhay namin simula ng mapadpad kami sa puder ni Mister Orcell. Walang kalayaan. Labing isang taon... Sa loob ng mga panahong' yon, ni minsan hindi ko naranasan ang buhay sa labas ng bahay niya. Kahit na may mga kasama akong bata sa puder niya, hindi naman kami malayang nakakapag-laro. Pagagalitan kami. Ayaw ng mga tauhan niya ang makukulit roon, lalo na si Mister Orcell.

Siguro kung hindi sumama sa kanya si papa noon... Siguro nakapag-aral ako ng kahit sekondarya. Siguro hindi ganito ang buhay namin at wala ako rito. Hindi ko mararanasan lahat ng 'to. Siguro malaya akong gawin ang mga bagay na gusto ko.

Tumulo na ang mga luha ko sa isipin kaya winaglit ko na ito kaagad. Alas-singko na rin ng hapon ayon sa may kalakihang orasan na nakasabit sa ding-ding, kailangan ko ng magluto. Kaya agad na akong nag-tungo sa kusina at pinalis ang mga luha sa pisngi.

His Prisoner (Buenavista Cousin's #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon