Kabanata 8
Hating gabi ng gisingin ako ni Harley. Nasilaw pa ako sa unang pagdilat ng bumungad sa akin ang ilaw ng buong silid. Naupo ako at kinusot-kusot ang mga mata.
"Wear this." Anya at hinagis sa akin ang nakasupot na itim na damit at itim ring maong. "Madali ka! Aalis tayo."
"Saan?" Takang tanong ko. "Saan tayo tutungo?"
"I have a good news and it's a bad news for you! Natunton na namin ang kampo ni Orcell. He's dead meat by now. Kaya sasama ka sa akin pabalik sa lungga ng amo mo!" Anya na seryuso at nababanaag ang bagsik sa pustura nito ngayon.
Napako ako sa kinatatayuan at napatitig sa makulay nitong mga mata. Kung hindi pa ako nito pinanlisikan ng mata ay hindi ako kikilos.
Wala ng tanong-tanong na nag-tungo agad ako sa banyo at nagbihis. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Nalilito ako kung matutuwa ba dahil mahuhuli na si Mister Orcell o malulungkot. Napanatag ang loob ko sa balitang dala ni Harley, sa wakas ay mahuhuli na rin si Mister Orcell makakawala na kami sa kamay niya... Kaya lang... Kaya lang ay hindi pa rin kami lalaya! Hindi pa rin pala kami malaya. Dahil sigurado akong kasama kami sa mga huhulihin at ikukulong kasama niya. Kasama niya kaming mananagot sa batas.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsusuot ng damit ng biglang pumasok si Harley at inilang hakbang ako. Mabilis niya akong inipit sa pagitan niya at ng pader at agad na hinalikan sa batok! Napapikit na lang ako at hinayaan na lang siya sa gusto niyang mangyari. Nanghina rin lahat ng depensa ko sa katawan simula ng mabuko niya ako at marinig ko kanina ang lahat ng mga sinabi niya. Para saan pa ang mga pagpalag? Walang kwenta iyon dahil ilang beses na rin niya akong ginawang parausan! Nauwi na rin sa wala ang lahat ng pagsisikap kong pagtagumpayan ang utos ni Mister Orcell. Tiyak kong makukulong na naman ako sa ika-tatlong pagkakataon!
Hindi na ako pumalag pa lalo na ng payukoin niya ako at angkinin mula sa likod. Hiyaw lang ang tanging naisatinig ko dala ng biglaan at masakit. Hanggang sa matapos siya at pinanghinaan ako ng mga tuhod, napaluhod pa ako sa panginginig niyon. Siya naman ay lumabas na ng banyo at parang basahan lang akong iniwan roon!
Nakaramdam ako ng awa sa sarili. May namuo ring luha sa gilid ng mga mata ko pero pinigil kong bumuhos iyon at tinatagan ang sarili. Tao pa ba ang lalaking ito? Bakit ganito niya ako kung ituring!
Nag-banlaw na lang ako at sinabunan ang kalat niya sa katawan ko saka sinuot ang mga damit na bigay niya.
Pagkalabas ko ay naabutan ko ito na seryuso at may kinakausap sa telepono nito. Nasa may bintana siya at tinitingnan ang tanawin sa labas mula roon. Sakto ng matapos akong magsuklay ay natapos rin ang tawag niya.
"Tara na." Anya at marahan akong hinila sa braso palabas ng silid.
Naka-sunod lang ako sa kanya hanggang sa nakababa kami. Na-surpresa pa ako ng may apat na kalalakihang naghihintay sa kanyang sala at inaabangan ang pagbaba namin.
"Are sure na isasama natin siya?" Tanong ng lalaki kay Harley pero sa akin ang tingin. Hindi ko natagalan ang seryuso nitong paninitig kaya napayuko na lang ako.
"Just never mind her presence, Xandro. I need her to see his father before he dies!" Ani Harley na hindi ko naintindihan pero tumango naman ang kausap nito.
Bukod sa sinabi nitong father ay wala na akong naintindihan pa sa mga sinabi nito. Ano nga ba ang alam ng isang tulad ko na kinapos sa kaalaman. Hindi man lang nakapagtapos ni elementarya.
"Tara na, boss! Nakahanda na ang yate." Sabi ng isang lalaki sa may pinto.
Hinila naman ako ni Harley palabas at sumunod rin ang mga kasama niya.
BINABASA MO ANG
His Prisoner (Buenavista Cousin's #2)
General FictionHarley Buenavista #515 in filipino