Kabanata 5
Madilim ang buong silid ng magising ako at wala na rin si Harley.
"Malamang ay pinatay niya ang ilaw. Anong oras na kaya?" Kumulo bigla ang tiyan ko.
Wala pa pala akong kain. Dagli akong umupo at bumangon mula sa kama. Hinanap ko ang tsinelas na bigay niya pero hindi iyon makapa ng mga paa ko. Sumasakit rin ang tuhod ko ng ihakbang ko ito. Mukhang mamamaga pa ata. Malakas din kasi ang pagbagsak ko kanina.
Lumapit ako sa may pinto at kinapa-kapa sa ding-ding ang switch ng ilaw. Nanibago pa ang mata ko at napapikit ng masinagan. Nang nasanay na sa ilaw ay nahagip ng paningin ko ang pagkain na nasa mesa na katabi lang ng kama ko. Bukod sa mesa roon ay may mesa rin malapit sa pinto.
Bumalik ako sa kama at hinanap ang tsinelas ko. Naiihi na rin, kailangan ko ng tumungo sa banyo. Isang tsinelas lang ang nakita ko. Siguro nasa ilalim ng kama ang isa pang pares kaya kinapa ko na.
"T-teka?" May matigas na bagay akong nasagi kaya sinilip ko. "Telepono!"
Agad kong kinuha iyon maging ang tsinelas at nagtungo na sa banyo. Sinara kong mabuti ang pinto para walang sino man ang makakapasok. Nahulog siguro ito ni Harley kanina at hindi na napansin na nawawala ito. Mabuti na lang! Kailangan kong tumawag kay Mister Orcell para kamustahin ang lagay ni papa!
Tinapos ko munang umihi bago tinipa ang isa pang numero ni Mister Orcell, memorado ko pa maging ang huling gamit niyang numero. Malamang ay tinapon na niya iyon pagkatapos kong pumalpak kaya ang isa na lang ang tatawagan ko.
Unang tawag ko ay walang sumagot. Dinalaw na ako ng kaba. Sana ay hindi ako mahuli ni Harley. Sana ay tulog na siya sa mga oras na ito at hindi hinahanap ang nawawalang telepono!
Tinipa ko ulit ang numero niya, ilang tunog ang ginawa niyon ng sa wakas ay may sumagot!
"Hello?"
"Mister Orcell!" Sabik kong tawag rito. "K-kamusta si papa? Anong lagay niya? May ginawa ba kayo sa kanya? Sinaktan niyo ba siya?" Sunod-sunod kong tanong na kinakapos ng hininga dahil sa pinaghalong kaba at takot.
"Hmm... Abi. Mabuti at kabisado mo pa itong numero ko. Kaninong cellphone ito?"
"Sagotin niyo po muna ang tanong ko. Kamusta si papa?!" Pagalit kong sigaw ngunit tama lang na hindi aabot sa ibabang palapag ng bahay. Ayaw kong marinig ako ni Harley mula sa ibaba!
Tumawa siya sa kabilang linya na ikina-inis ko. "Buhay pa naman-"
"Abi!"
"Papa!" Balik kong sigaw. Di ko na napigilan sa pagtulo ang mga luha ko. Nabuhayan ako ng loob! "Papa? Ayos ka lang po ba? Papa?"
Hindi na sumagot pa si papa kaya naki-usap na ako kay Mister Orcell. "Mister Orcell, pakibigay po kay papa. Pakausap naman po ako sa kanya, oh."
"Baka patibong lang ito Abi. Wala ka bang kasama diyan? Isu-"
"Wala ho! Nasa loob ako ng banyo ngayon, ako lang po mag-isa. Tumutupad pa rin po ako sa naging usapan natin dahil nakasalalay ang buhay ng ama ko rito! Bilisan niyo na po baka bumalik si Harley at hanapin itong telepono-"
"Kung ganun, kailangan mo na siyang patayin bago pa niya mabisto ang negosyo ko!"
Tumango-tango ako kahit hindi naman niya nakikita. "Gagawin ko! Paka-usap na po kay papa."
"Pag-katapos nitong tawag, burahin mo ang numero ko diyan!"
"Opo!" Pagkasagot ko ay malakas niyang tinawag ang pangalan ni papa. "Mabilis lang." Dagdag pa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/63211862-288-k28179.jpg)
BINABASA MO ANG
His Prisoner (Buenavista Cousin's #2)
General FictionHarley Buenavista #515 in filipino