Kabanata 3

125 11 0
                                    

Paalala: Marami pang mga ipinagbabawal na tiknik sa susunod na kabanata na bawal sa bata. Basahin pero huwag gagayahin.

---

Kabanata 3

Mabilis naming narating ang bahay niya at agad siyang bumaba ng kabayo ng hindi ako binibitawan. Inayos niya ang posisyon ko at pwersahang nilipat sa kanyang balikat. Para akong isang sako ng bigas na pasan-pasan ng damuhong ito ngayon!

"Ibaba mo ako!" Pumiglas ako at sinusuntok-suntok ang likod niya ngunit isang palo lang sa pang-upo ang natanggap ko!

"Shit! Huwag kang masyadong magalaw!" Hindi ako nakinig kaya isang mura ang pinakawalan niya.

Pinasok niya ako sa bahay at hinayaan niya lang ang kabayo sa labas ng hindi nakatali. Mabilis ang kanyang pagkilos at halos takbuhin na niya ang paakyat sa ikalawang palapag. Nahihilo ako sa pagkabaliktad ko dahil naaalog ang ulo ko sa pagmamadali niya! Matisod ka sana!

Nang marating niya ang pinto ng pinaglagakan niyang silid sa akin ay sinipa niya pabukas ang pinto nito at inilang hakbang lang ang kama. Saka ako ibinalya pababa! Buwesit! Napadaing ako sa kanyang ginawa. Kahit na malambot ang kama ay nasaktan pa rin ako sa lakas ng pagbagsak ko!

Nagmamadali rin siyang lumabas at pabagsak na sinara ang pinto.

"Masira sana 'yang pinto kakabagsak mo!" Sigaw ko ngunit hindi naman siguro niya iyon narinig.

Inayos ko na lang ang sarili at naupo. Pinansin ko ang paa na kanina pa kumikirot. Dugo... May kaunting dugo na tumagos sa benda ng sugat ko!

Pababa na ako ng kama para kunin ang kahon na nasa aparador ng tumunog ulit ang pinto na nagpaangat ng tingin ko. Marahas itong binuksan ni Harley at pabalyang sinara uli. Bahagya akong umurong dahil sa nakikitang galit sa kanya.

Nakakatakot ang awra nito ngayon. Matinding galit ang pinapakita niya. Nanlilisik rin ang kanyang mga mata. Dahilan para makaramdam ako ng matinding kaba at agad bumangon mula sa kama at nagtungo sa kabilang banda. 

Sinundan niya ako na nagpaurong uli sa akin hanggang sa napaakyat ako pabalik ulit sa kama. Tatakbo pa sana ako ngunit nadapa lang ako dahil sa pagkirot ng sugat ko. Nadiin ko kasi ito sa pag-apak!

Naging dahilan naman ang pagkadapa ko upang mahila niya ako sa magkabilang tuhod. Agad ko siyang hinarap ng makalapit at pinagsasampal ngunit sinalo niya rin ang dalawa kong braso. Gamit ang isang paa na walang sugat ay sinipa ko siya sa kanyang pagkalalaki.

"Damn it!" Atungal niya.

Dahil doon ay nakawala ako at tinakbo ang pinto ng hindi iniinda ang sugat, ngunit nahila niya rin ako pabalik!

Mabilis niya akong pinangko at pabalya ulit na tinapon sa kama. Napadaing ako sa panibagong sakit at napahawak sa balakang na tumama sa labi ng kama. Nanghihina man ay tumagilid pa rin ako upang kumuha ulit ng pagkakataon upang tumayo. Subalit hinila niya rin ako at pinatihaya. Sabay labas niya ng panyo mula sa kanyang bulsa. Hinawakan niya iyon sa magkabilang dulo at mabilis na inikot-ikot at agad akong niyuko. Sapilitan niyang kinuha ang magkabila kong pulsohan at pumatong sa akin. Walang nagawa ang pagpupumiglas ko! Ni hindi ko rin siya masipa dahil nasa bandang bewang ko siya nakaupo!

Naramdaman ko na lang na tinatali niya ang dalawa kong kamay sa ulohan ng kama. Mahigpit! Nang bumaba siya ay hinila ko iyon para masira ang panyo. Ngunit kinulang ako sa lakas. Sumakit lang ang magkabilang pulsohan ko sa ginawa!

Tiningnan ko siya upang magreklamo pero nabitin lang sa ere ang sasabihin ko. Nagtatanggal na siya ng sinturon! Nasundan ko iyon pati na ang paghawak niya sa labi ng maong at tinanggal sa pagkakabutones nito!

His Prisoner (Buenavista Cousin's #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon