Kabanata 10

124 9 0
                                    

Kabanata 10

"Ice cream?"

Mula sa papalubog na araw ay inangat ko ang tingin kay Harley na inaabot ang maliit na baso ng ice cream.

"Salamat."

Binuksan ko iyon at sumubo. Masarap... Lasang mangga na may keso.

"I'll be leaving for manila tomorrow morning. Hindi mo na siguro ako maaabutan dahil maaga ang alis ko." Anya at sumubo rin sa hawak niyang sorbetes.

"Kung ganoon... Kaylan tayo dadalaw kay papa?"

"The day after tomorrow, maybe... Babalik rin naman ako dito. Sasabihan lang kita kapag isasama na kita-"

"Gusto kong sumama na sayo bukas, Harley." Buo ang loob kong sabi.

Sabik na akong makita ang ama ko. Hindi ko na mahihintay ang susunod pang bukas para madalaw siya. Wala kaming matinong usapan noong huli naming pagkikita at ngayong nasa kulungan na siya ay higit niyang kailangan ang presensya ko. Gusto kong makita at malaman kung nasa mabuting kalagayan nga ba siya. Baka mamaya ay sinasaktan na siya roon... Napapikit ako sa isipin.

"If you insist. Sige." Anya at bumalik sa pagkain ng sorbetes.

Guminhawa ang pakiramdam ko. Mabuti na lang at mabilis ko siyang napapayag. 

Sumubo na rin ako ng bigay niya. Ipagluluto ko si papa bukas kaya kailangan kong maagang matulog mamaya para maaga ring magising bukas.

"Anong oras ang punta natin kay papa?"

"Depende sa schedule ko. Isisingit lang kasi natin ang pagdalaw sa papa mo."

"Sige."

"Sa manila nakakulong ang papa mo, Abi." Tumango ako at nag-abang pa ng sasabihin niya. "Alam mo ba na may malaking kasalanang nagawa ang papa mo noon sa manila?"

Ang huling tanong niya ay gumulat sa akin ng husto. Bakas ang galit sa tono nito, mabilis akong umiling. Gusto ko siyang bulyawan sa kanyang maling paratang! Inosente ang ama ko! Ni minsan walang naikwento si papa tungkol sa mga sinasabi niya ngayon!

"Imposible naman, Harley. Ama ko ang tinutukoy mo! Anak niya ako at pinaparatangan mo siya ng masamang gawain samantalang nasa harap mo ako? Ayos ka lang? Higit kong kilala ang ama ko kumpara sa pagkakakilala mo sa kanya! Hindi siya kriminal. Sa tagal naming nanirahan sa Mindoro maging sa puder ni Mister Orcell, wala akong alam o nalaman na may krimen siyang nagawa o ginawa!" Naiinis kong turan.

Pumalatak naman si Harley at taas kilay akong binalingan.

"Noong mga panahong binata pa ang papa mo, Abi. Pumatay siya at nagnakaw. Hindi mo 'yon alam dahil ni minsan hindi mo siya tinanong at impossible naman na kusa niya iyong sabihin sa 'yo? Hindi 'ba?"

"P-pero-"

"No buts! Bibigyan kita ng lumang dyaryo. I have kept some news papers of seventeen years ago and even the current. Those news are all about the criminal case I am telling you now, Abi. Naging interesado ako sa issue na 'yon kaya ko itinago ang mga dyaryo. Labing-pitong taon na ang itinagal ng mga balitang 'yon sa pagkakatanda ko. At ayon rin kay Xandro, your father was the culprit for kidnapping a kid seventeen years ago. Ang ama mo ang kumidnap sa nawawalang bata, Abi. Kaya sa manila siya piniling ikulong dahil malaki ang naging kasalan niya sa mga magulang ng bata roon. Kabilang sa mga mayayamang pamilya sa manila ang magulang ng batang dinukot. Your father is in the news headline now in manila for sure, Abi. Lalo pa at nahuli na siya."

Natahimik ako sa mga nalaman. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi, o 'di kaya ay pagdudahan ang sarili kong ama!

"Honestly, dose anyos ako noong narinig ko ang balita tungkol roon. Tungkol sa pagdukot sa isang taong gulang na bata apat na taon na ang nakalipas noon. Apat na taon ng nawawala ang bata sa mga panahong 'yon at hindi mahanap-hanap ang taong kumuha sa kanya. Hanggang sa sumunod pang mga taon nagpatuloy ang balitang iyon, even this year, Abi. Hindi tumigil ang magulang ng bata sa paghahanap sa kanya."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Prisoner (Buenavista Cousin's #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon