Aralin 7 Saknong 39
"Ay Laurang poo'y bakit isinuyo
sa iba ang sintang sa aki’y pangako
at pinagliluhan ang tapat na puso,
pinanggugulan mo ng luhang tumulo?
Hi, ako nga pala si Iza Monteverde. Isa akong Pilipino pero kasalukuyan kaming naninirahan dito sa Canada ng aking mga magulang. Ako ay labing walong taong gulang na. Kakadebu ko lang noong Mayo. Heto at papauwi na ako sa aming bahay. Sana naman tumigil na sina Papa at Mama sa pag-aaway. Alam kong hindi talaga maiiwasan iyon sa isang relasyon pero lagi-lagi na lang nangyayari. Buti na lang at nanatiling matatag ang pagmamahalan nila kaso syempre nakakapagod na rin ang manatili sa taong hindi mo madalas makaintindihan. Natatakot akong baka isang araw magkawatak-watak ang aking pamilya.
"Ma, Pa andi-"
"Manloloko ka Lucas! Nangako ka sa akin na ako lang ang mamahalin mo. Ano tong mga naririnig ko na may parati ka raw na kasamang babae?"
Boses ni Mama yun ahh. Nag-aaway na naman ba sila? Nakita kong umiiyak si Mama. "Pa totoo po ba yung mga narinig ko?"
"Anak alam mo naman na mahal na mahal ko kayo ng Mama mo."
"Sagutin niyo na lang po ang tanong kung oo o hindi. Maniniwala naman po ako sa inyo Pa."
"O- Oo anak, totoo ang mga sinabi ng Mama mo."
Nahulog ang bag na dala-dala ko. Natulala ako at hindi ko namalayang may tumulo na pa lang mga luha sa aking mga mata. Nakakagulat ang sagot ni Papa.
"Halika na anak." HInila ako ni mama papunta sa aking kwarto. Inilabas ni Mama ang maleta at inaalis niya ang mga damit ko mula sa kabinet. "Ma, anong ibig sabihin nito?"
"Iza siguro mas mabuti kung umuwi ka na sa Pilipinas."
"Ano po! Paano po kayo? Si Papa? Ang pag-aaral ko? At si Drake?"
"Susunod din ako sa iyo. May mga kailangan lang akong gawin sa pinagtatrabahuhan ko dito. Tutal may iba na siyang tinuturing na asawa, magsama na lang sila. Tatawagan ko ang Tita Maricel mo. Doon ka na muna makikitira sa kanila. Ipapaenroll na rin kita sa paaralan. Bukas na bukas aalis ka na. At yang si Drake, hiwalayan mo na siya Iza. Mahirap ang long distance relationship. Sa panahon ngayon kakaunti na lang ang mga lalaking mapagkakatiwalaan. Ayokong masaktan ka, katulad ko anak."
"Pero Ma naman... Kilala ko si Drake. Alam kong hindi niya ako lolokohin."
"Basta't pag-isipan mo ang magiging desisyon mo. Teka at kakausapin ko ang Tatay mo." Sumunod ako kay Mama sa pagbaba.
"Lucas, lumayas ka na. Ayaw na kitang makita kahit na kailanman."
"Mariel, pwede naman nating pag-usapan ito diba?"
"Ano pang kailangang pag-usapan? Malinaw na pinagtaksilan mo ang sariling pamilya mo! Umalis ka na sa aking pamamahay! Doon ka na sa babae mo!"
"Anak." Parang iniimbita ako ni Papa na sumama sa kanya.
"Huwag kang sumama Iza."
...
"Sorry Pa."
Kasabay ng pag-alis ng aming padre de pamilya ang walang tigil na pag-iyak ng aking Mama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sinayang lang ni Papa ang tinagal ng kanilang pagiging mag-asawa. Parang sa isang iglap lang ay naglaho ang pamilyang inakala kong maaayos. Napakasakit na malamang nilloloko kami ni Papa. Ngayon, dalawa na lang kami dito sa bahay at bukas isa na lang. May naging kakulangan ba si Mama para mabaling ang atensyon niya sa ibang babae? Sana naman hindi ito mangyari sa amin ni Drake. That reminds me, paano ko nag pala ipapaalam sa kanya na uuwi ako sa Pilipinas?