Aralin 15 Saknong 160
"Naluwag- luwagan ang paghihinagpis
sapagkat naawas sa pagkadayukdok
hindi kinukusa'y tantong nakatulog
sa sinapupunan ng gererong bantog.
"Para po manong." Papasok na kami ng airport nina Tita Maricel at Jodi upang sunduin si Mama. Nag-text kasi siya kaninang umaga. Pero syempre bago kami pumunta dito pumasok muna ako. Buti nga at absent si Lyndon kaya masaya ako. Walang nanggambala sa araw ko. Hinihintay na lang namin ang paglabas ni Mama. Hihingi rin ako ng tawad kasi hindi naging maganda ang huli naming pagkikita. Nagtampo kasi ako noon kay Mama ngunit ngayon wala na.
"Anak!"
"Ma!" Sobrang higpit ng ng yakapan namin ng aking nanay sa isa't-isa. Mahirap talaga ang malayo sa mga magulang mo. Sila kasi ung kasa-kasama mo sa paglaki at nagturo sa iyo ng mga kagandahang-asal.
Napansin ni Mama si Jodi. "O, Jodi ikaw na ba yan? Ang laki mo na."
"Opo Tita."
"Ate Maricel namiss kita."
"Mabuti naman at bumisita ka dito Maricel."
Umuwi din agad kami at pinagpahinga si Mama. Pagkatapos noon ay nagpunta kami ng simbahan upang magdasal at namasyal ng kaunti. Dahil sa biglaang pagdating ni Mama nasiyahan ako. Parang nawala lahat ng sama ng loob na dinadala ko. Nabalot ng kaligayahan ang arwa ko kahit na mas gusto ko na kasama pa rin namin si Papa hanggang ngayon. Hinihiling ko na balang araw magiging buong pamilya ulit kami. Kinamusta ako ni Mama. Nag-usap kami habang papauwi sakay ng bus. May kalayuan din ang aming pinuntahan. Inabot na kami ng gabi. Napagod rin ako sa paglilibot namin.
"Iza, pagbutihan mo ang pag-aaral mo ha."
"Opo naman."
'Kung ano mang problema and pinagdadaanan namin ng papa mo ayaw kong madamay ka."
"Huwag po kayong mag-alala sa akin. Matatag po ang loob ko."
Inaantok na ako. Huhhhhh sabay hikab. Pinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko namalayan pero ang huli kong naaalala ay nakatulog ako habang nakasandal sa Mama ko at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Ang sarap sa pakiramdam. Alam kong hindi na ako bata ngunit nangangailangan pa rin ako ng kalinga mula sa aking ina.