Aralin 18 Saknong 205
"Pag-aaral sa akin ay ipinatungkl
sa isang mabait, maestrong marunong;
lahi ni Pitako-ngala'y si Antenor
lumbay ko'y sabihin nang dumating doo.
Ito na ang araw ng exams namin. Nagpuyat pa ako para lang dito. Ang dami kasing mga terminologies na kailangang kabisaduhin. Gumising ako ng maaga upang bisitahin ang ospital ng taong malaki ang naitulong sa akin.'
'Doktora Athena!"
"O, Iza ikaw na ba iyan? Nakabalik ka na pala.Napakamagayon mo talaga iha.'
"Salamat po teacher. kayo rin naman po maganda pa rin."
Nagkamustahan muna kami ng dati kong guro. Isa siya sa mga nag-impluensya sa amin ni Jodi na maging doktor. Sobrang dami niyang naituro sa akin na dala ko pa rin hanggang ngayon. Sinabi ko sa kanya ang nagiging problema ko sa mga pag-aaralan namin sa exam. Nahihirapan kasi ako ehh. Nalilito ng konti. Ayoko namang bumagsak. Hindi naman ako nabigo kasi tinulungan ako ni Dra. Athena. isa siyang biyaya. Naging malinaw na ang lahat.
"Thank you thank you po teacher Athena."
Sabay kaming pumasok ni Jodi. Kinakabahan pa rin ako sa maaaring mangyari. Dapat positive lang.
"Okay class you will be given the time of an hour and thirty minutes each to answer two sets of tests. Goodluck."
=Pagkalipas ng isang oras at tatlumpung minuto=
"Haayyy ano guys kaya pa?" sabi ni Andrew
Lyndon: Kaya natin to!
Jodi: Oo nga go go FIGHT!!
Ako: Tara, mag-aral na tayo para sa susunod na exam.
Nakakatuwa kasi lahat kami determinadong makapasa. Pero naging challenging at difficult ang mga pagsusulit. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. Ano kaya ang magiging resulta? Pauwi na ako sa bahay.
"Kumusta anak?"
"Nahirapan po ngunit nakaya ko naman po."
"Pagbutihan mo ang pag-aaral mo Iza."
"Kialangan po talaga. Ma, naaalala niyo pa po ba si Dra. Athena?"
"Yun ba ung guro mo noong nasa elementarya ka?"
"Opo pero isa rin po siyang doktor. Binisita ko po siya kanina at napakalaki ng naitulong niya na mas maintindihan ko ang mga aralin."
"Napakabuti talaga ng kalooban ni Athena. Simula bata ka pa lang pangarap mo ng maging doktor katulad niya."