Aralin 7 Saknong 52
"Hindi ka tutugot kundi matalastas,
kakapitan mo nang mabigyan ng lunas,
dadalhin sa hardi't doon ihahanap
ng ikaaaliw sa mga bulaklak.
Salamat at walang pasok ngayon. Makakapagpahinga at makakausap ko na si Drake gamit ang Skype. Ano ba Iza ngumit ka nga. Paano ba naman kasi ako ngingiti ehh naiinis ako. Nakakabanas ung Lyndon na iyon, kung anu-ano ang ginagawa sa akin. Hindi ko na dapat siya iniisip. Namomoblema lang ako.
"Hi Iza, how are you?"
"I'm fine Drake. I just miss you ang my mom."
"Your mom told me to tell you she is coming to the Phillipines next week."
"Really? That's good."
"You don't look happy. Tell me, what's wrong?"
"No, it's nothing."
Pinilit ako ni Drake na sabihin sa kanya kung ano ang dahilan ng pagiging malungkot ko. Ang bilis naman niyang makahalata. Hindi naman siya nabigo kasi napaamin niya din ako. Hahaha lagot ka Lyndon. Humanda ka na. Pasalamat ka hindi nakikipag-away at hindi basagulero si Drake. Nakakatuwa nga siya. Lahat ginawa niya para lang tumawa ako. Hindi siya tumitigil hangga't wala siyang tawang marinig mula sa akin. Lagi na lang niya akong pinapangiti. Buti pa siya nakakayanan niya ng malayo kami sa isa't-isa pero ako, gustong-gusto ko na siyang mayakap. Pagkatapos noon, nagkwentuhan kami ni Drake tungkol sa iba't- ibang bagay.
"Good bye for now Drake. I love you.'
"See you soon Iza. I love you too."
Pumikit ka na Iza. Maaga pa pasok mo bukas. Bakit ba kasi hindi ako makatulog? Ano bang problema? Tao ka ba? Pero seryoso anong meron? Ang saya-saya ko pero bakit parang may nanggugulo sa isip ko. Nagagalit ako kay Lyndon pero pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. May pagkakahawig siya kay Dondon ehh. Posible ba? Hindi namang ganoon ang ugali nun. Mabait iyon. Sana makita ko ulit siya. Hay nako! Mas mabuti kung itulog ko na lang ito. Ayokong mapuyat. Dapat maging maligaya ako kasi naghirap si Drake para tumawa lang ako. Excited na rin ako sa pag-uwi ni Mama. Goodnight to me.