Dangerous Night

9 0 0
                                    

Aralin 13 Saknong 126

Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak

gerero'y hindi na mapigil ang habag

patalim ang siyang nagbukas ng landas.

Nakakapagod na magplano para sa Feeding Program. Ang daming kailangang ayusin. Handa na amg lahat maliban na lang ang lugar kung saan ito gaganapin. Heto kami ni Dondon naglalakad pauwi. Madilim-dilim na rin. Buti na lang may mga ilaw sa daan.

"Isay, sa ibang daan na lang tayo kasi may inaayos dito. Dito ka lang sa tabi ko kasi medyo madilim doo. Hahatid na kita."

Naglakad na kami patungo sa kabila. Walang tao at ang tahimik. Nabasag ang katahimikan ng isang sigaw. "HELLLPPPP"

"Ano yun?Tara Dondon puntahan natin baka may nasa panganib na."

"Isay, si Chelsea iyon diba?"

"Hala, oo kikidnapin siya. Tara!" Pinigilan niya ako. "Huwag kang padalos-dalos."

Sinakay si Chelsea sa isang van. Bakit mag-isa siya? Gabi na ehh. Sinundan namin ang sasakyan.  Sa isang abandunadong bahay sila huminto. Binuhat ng lalaki ang walang na si Chelsea. Anong dahilan ng pagkuha nila sa kanya? Sinigurado muna naming ligtas na. Napilitan kaming umakyat sa nakakandadong gate. kahit na naging masama si Chelsea ayoko namang hayaan mapahamak siya. Tumigil kami sa may pinto at nakinig.

Chelsea: Hey let me go! What are you going to do to me? Help! Is somebody out there?

Lalaki: Tumahimik ka ngang Englishera ka kundi papatayin ka namin.

Chelsea: What do you want? Money? I have plent of it my bag. You can take all of it just set me free.

Lalaki: Dito ka lang muna.

Chesea: Wait. Don't leave me here alone.

Lumabas ang mga kidnapper mula sa likod. Nataranta ako. Saan kami magtatago? Nag-uusap sila.

"Anong gagawin natin sa babaeng iyon boss?"

"Maarami tayong nakuhang pera sa kanya. Maya-maya lang papatayin natin siya."

"Pakawalan na lang natin siya boss. HIndi naman niya nakita ang mga mukha natin."

"Lumalambot ka na naman. Akala ko ba nangangailangan ka?"

Hindi sinasadyang nahatsing ako. Ang lamig kasi ehh. Patay, nakita nila kami.

"Dito ka lang Isay ha."

Ang galing ni Dondon. Suntok sa kaliwa. Suntok sa kanan. Sipa sa kaliwa. Sipa sa kanan. Dalawa na sila pero mukhang wala silang laban kay Dondon. Naku, may patalim sila. Lagi naman itong naiiwasan ni Dondon. Hindi na sila makabangon at nakatulog na. Ginamit ni Lyndon ang itak upang sirain ang kadena sa pintuan. "Tumabi ka Isay."

Dinatnan naming tulog si Chelsea. Buti na lang alam namin ang bahay niya. Hindi man lamang siya nagising sa biyahe. Ung mga kidnapper sinumbong namin. Ikinuwento namin kay Mrs. Ziegler ang nangyari at labis niya kaming pinasalamatan. 

Pagdating ng PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon