My Childhood

12 0 0
                                    

Aralin 16 Saknong 194

"Sa tamis ng tinig na kahalak-halak

ng nag-aawitang masasayang nimfas,

naaanyayahan sampung lumilipad

sari-saring ibong nag-aagawan ng dilag.

Ito ay isang pagbabalik tanaw ni Iza sa kanyang pagkabata.

Ang saya-saya ng araw na iyon. Pumunta kami nina Papa at mama sa perya. Naglaro, kumain at sumakay kami sa iba't- ibang rides. Pinakapaborito ko ay noong sumakay kami sa ferris wheel. Takot na takot si Mama. Sa una nga ayaw ni Mama pero dahil sa pagpilit ko pumayag na rin. Bumili sila Papa ng pagkain habang ako ay nagpaiwan. May mga ibon akong nakitang lumilipad sa itaas. Magkakasunod at magkakasama sila patungo sa isang direksiyon. Nag- uunahan pa nga ehh. Gusto kong malaman kung saan sila pupunta kaya sinundan ko. Dinala nila ako sa napakagandang gubat. Kakaiba ang gubat kasi parang may mga malalambing na tinig na inaanyayahan kang pumasok. Ito yata ang dahilan ng pagpunta ng mga ibon.

'Wow, ang ganda naman dito. Ang hangin at maraming uri ng puno at halaman."

May narinig akong agos ng tubig. Pinuntuhan ko kung saan ito nanggagaling. Pagkarating ko sa may ilog nadatnan ko ang isang batang lalaking umiiyak. "O, bakit ka umiiyak?" Hindi ako pinansin.

"Tumingin ka nga sa akin." Sumayaw ako na parang ewan tapos napangit ko na rin siya. "Ayan mas bagay sa iyo ang nakangiti. Sagutin mo na ang tanong ko kanina."

Nagsalita siya. "Kasi ngayong araw namatay ang Mommy ko."

"Ayy sorry. Huwag kang mag-alala, kahit na wala siya rito sa tabi mo nandun siya sa Heaven binabantayan ka. Diba lahat tayo ay may guardian angel? Ang Mommy mo ang sa iyo. Kaya tumahan ka na kasi paniguradong ayaw ng Mommy mo na makita kang malungkot."

"Totoo ba yang sinasabi mo?" tinanong niya

"Oo naman. Promise."

"Pede ba tayong maging magkaibigan?"

"Sige, ako nga pala si Iza."

"Ako naman si Lyndon. Pede bang Isay na lang ang itawag ko sa iyo kasi ang sosyal ng Iza?"

"Edi Dondon na lang ang itatawag ko siya."

"Paano ka nga pala nakapunta rito Isay?"

"Simple lang, sinundan ko ung mga ibong naakit sa gubat na ito."

Iyon ang lugar na nakahiligang puntahan ni Dondon. Tinulungan niya akong makabalik sa mga nag-aalala kong mga magulang. Pareho kami ng pinasukang paaralan. Mas lumalim pa ang pagkakaibigan namin. Natuto na rin siyang maging palangiti. Napakaligaya ko noong mga araw na magkasama kami.  Pagtuntong ko sa ikaapat na baitang nakilala namin si Jodi. Naging matalik ko rin siyang kaibigan. Kambal ang tawagan namin. Kaso isang araw sinabi sa akin ni Mama na lilipad kami papuntang Canada. Doon na kami maninirahan. Nabalitaan din yata ni Dondon kaya hinabol niya ang aming kotse. Gusto ko sanang ipatigil ang sasakyan pero mahuhuli na daw kami. Umiyak ako noon kasi hindi man lamang ako nakapagpaalam sa kanila. Sobra ko silang mamimiss. Sana nga hindi galit si Dondon sa akin, Anu-ano na kayang mga nangyari sa kanya? Ano na kayang itsura niya ngayon? Kumusta na kaya siya?

Pagdating ng PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon