Aralin 4 Saknong 6
Ang mga hayop pang dito'y gumagala,
karamiha'y syerpe't basiliskong madla;
hyena't tigreng ganid na nagsisila
ng buhay ng tao't daiging kapwa.
Sana walang mangyaring masama sa amin ni kambal ngayong araw. Susunduin ko na siya. Asan nga ba ulit ung bahay ni Jodi? Ahh ito na iyon. "Tao po."
"Hi kambal, ano tara na? Kinakabahan ka ba? Huwag kang mag-alala magkaklase naman tayo ehh."
"Strikto ba mga guro doon?"
"Oo, hindi naman talaga maiiwasan iyon."
"Eh yung mga estudyante?"
"Ano ka ba, kalma lang. Parang mas kinakabahan ka pa ngayon kaysa noong unang pagpasok natin."
"Ito na kasi ang simula ng regular na klase natin.'
Pumasok na kami ni Jodi. Mahirap talaga na mag-aral sa ibang lugar na matagal kang nalayo. Ibang- iba sa sistema ng paaralan sa Canada. Mukhang mahihirapan yata ako pero kakayanin ko. Lumipas na ang limang minuto pero hindi pa rin bumabalik si Jodi. ang tagal naman nun. Puntahan ko na nga lang. Buggssshhh "Sorry 'di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya kasalanan ko."
"Whatever."
"Huh?" Ayun na si Jodi."Bakit ang tagal mo?"
"Inutusan pa kasi ako. Anong nangyari sa iyo habang wala ako?"
"Nabangga ko ung babaeng yun. Kilala mo ba?"
"Hindi ehh, bagong lipat siguro."
"Alam mo ang taray nun."
"Hayaan mo na. Maiistress ka lang. Kain na tayo."
Bakit kaya nag sungit ng babaeng nasanggi ko? Inamin ko naman na nagkamali ako. Hindi pa sapat iyon? Baka mainit lang talaga ang ulo niya. Papunta siy dito kasama ang dalawang babae. Mabuting humingi ulit ako ng dispensa.
"Hi, ako ung kaninang nakabangga sa iyo. Gusto ko lang humingi ulit ng tawad."
"And you are?"
"I'm Iza Monteverde. Masaya akong makilala ka."
"Well I'm not, starting today I don't want to see you here."
"At ano namang karapatan mong paalisin si Iza dito?"
"Ako lang naman si Chelsea Ziegler, ang only daughter ng principal ng Dream High University."
"So, kahit na lahat tayo pantay-pantay lang."
"I dont like her so she has to go."
"True!" Sabi ng dalawang babaeng nakadikit sa kanya."
Umalis na kami ni Jodi. Ang dami pa lang nakapansin sa sagutan nila. Ang sama pa ng tingin nina Chelsea sa amin. Ano bang problema sa akin ni Chelsea? Dahil lang ba sa nabangga ko siya? Hindi naman malakas un ehh. Grabe na siya ahh. Naiinis na rin ako. Buti na nga lang hindi ako nakisama sa sabwatan nila ni kambal kundi mapapahiya talaga siya sa sobrang dami kong alam na salitang Bicolano. Nasa probinsya pero nag-EEnglish. Haayyy huminahon ka Iza. Hingang malalim. Tinanong ko si kambal kung bakit siya sumabog kanina tapos sabi niya ayaw niyang may nang-aapi sa akin.
"Naiinggit lang siguro iyon sa iyo. Halata naman kasi na mas maganda ka sa kanya. Bakit ba kasi laging may kontrabida sa buhay natin? Kung sabagay hindi magiging buhay ang buhay kapag walang mga pagsubok."
Hindi maiiwasan na may mga taong gusto ka at aywa ka. Para lang silang mga hayop na kulang na lang patayin ka upang lumigaya. Pakiramdam siguro nila sa kanila lang umiikot ang mundo. Madamot sila na ibigay ang atensyon sa iba.