Aralin 32 Saknong 394
"Yaong ehesitong mula sa nagwika sa gayong ligaya,
ang unang nagwiak sa gayong ligaya,
'biba si Floranteng hari sa Albanya
mabuhay, mabuhay ang Prinsese Laura!"
Nandito na kami sa Pilipinas. Bumalik ang mga alaala ko dito sa Bicol. May pinuntahan sina Mama at Papa kasama si Travis kaya mag-isa lang ako sa bahay. Kriiinggggg! Ung cellphone ko.
"Hello?"
"Kambal!" sabi niya
"Jodi! Kamusta ka na?"
Pinapunta ako ni Jodi sa isang gubat. Teka lang ito ung gubat kung saan una kaming nagkakilala ni Dondon. Tumunog ang phone ko. Nagtext si Jodi. Sundan ko lang daw ung mga ilaw. Biglang nagkaroon ng ilaw. Ginawa ko ang sinabi niya at ginulat nila ako.
"Welcome Back Iza!" Nandoon ang mga magulang ko at mga dati kong kaklase. Lumapit si Jodi. "May hinahanap ka ba? Tingin ka sa likod mo."
"Dondon!"
"Isay!"Dondon: Mukhang ito na ang tamang panahon na sinasabi mo.
Ako: Dumating na nga siya.
Dondon: Happy Birthday Iza! O akala mo nakalimutan ko no? Isay, wala pa ring nagbabago hanggang ngayon mahal pa rin kita. May itatanong ako sa iyo. Will you be my girlfriend?
"Ayieeehhhhhh!!!!" sigaw nila
Ako: Yes oo Dondon!
"Mabuhay sina Iza at Lyndon! Ang hari at reyna ng Bicol." paulit ulit nilang sinasabi
Ang saya, sa huli nagkatuluyan pa rin kami ni Dondon. Magkarelasyon na rin pala sina Andrew at Chelsea. Proud ako kay Chelsea kasi natkakapagTagalog at salitang Bicol na siya. Si Jodi naman may nanliligaw sa kanya na isang German. Natutunan ko na may mga bagay na makapaghihintay kasi darating at darating ang panahon na maisasakatuparan ito.