We Are Innocent

14 0 0
                                    

Aralin 12 Saknong 108 

Di pa natatapos itong pangungusap,

may dalawang leong hangos nang paglakad

siya'y tinutungo't pagsil-in ang hangad

ngunit nangatigil pagdating sa harap.

Ang sarap ng tulog ko kagabi. Ang sarap din ng umagahan ko. Si Mama kasi ung nagluto. Iba talaga ang pag-aalaga ng isang ina sa kanyang anak. Pinabaunan din ako ni Mama ng lunch. Mas ginanahan tuloy akong kumain. Papunta na kami ni Jodi sa classroom nang-

"Hi Iza, I'm back."

"Masaya akong makita kang ulit,,, Chelsea. Welcome back.' Syempre hindi totoo iyon pero dapat friendly pa rin. " Diba tatlo kayo? O, asan ung isa ninyong kasama?"

"She had something to do and it's none of your business."

Hindi pa rin nagbabago si Chelsea. Ayaw pa rin niya sa akin. Natapos na ang aming dalawang klase at recess na. Hindi sinasadyang nagkasabay kaming maglakad ni Lyndon sa corridor. Nagkatinginan kami pero umiwas siya ng tingin. Kakaiba siya ngayon ahh. Nakakapagtakang hindi niya ako ginagalit o pinagtitripan. Ano kayang nakain nun? Biglang sumulpot si Andrew.

"Hello Iza. Musta?"

"Mabuti naman."

"May gusto nga palang sabihin sa iyo si Lyndon. Diba Don?"

"Sa susunod na Andrew. Sige Iza una na kami."

"Anong sasabihin ni Lyndon? Uwwaaahhhh kailangan ko nang bilisan. May gagawin kaming activity. Magdidissect kami ng palaka. Maghahanda pa kami ng partner ko na si Jodi.

"Kambal! Bakit ngayon ka lang?"

"Sorry. Tara na sa Science laboratory."

Nagmadali kami ni kambal. Tumakbo na kami kasi baka mahuli pa kami. May kumausap sa amin.

"Jodi, Iza pede bang doon na lang kayo sa puwesto namin?"

"Ahh o sige walang problema" sagot ko.

Dumating na sina Chelsea. Katabi pala namin sila.  Striktong pag-iingat ang dapat naming gawin. Dalawang asal leon ang malapit sa amin.

"What happened to our ammonia?! It spilled" sabi ni Chelsea.

"You guys did this right?" Tinuro kami ng isa niyang kasama.

Sinagot ko. "At bakit naman namin gagawin iyan. May proeba ba kayo?"

"Tama. Kadarating lang kaya namin."

"I don't care. I know you were the one who did it. Why are you making my life miserable?" Tinulak niya ako ng malakas halos matumba nga ako. Si Jodi naman sasabunutan na sana si Chelsea pero buti na lang napigilan ko siya. Bubuhusan din sana kami ng kasama ni Chelsea ng tubig. Dumating na ang aming guro at hindi nila nagawang saktan kami sa harap nito. Tiyak na pagagalitan sila kapag ginawa iyon. Nakawala ang palaka nila at napakalakas ng sigawan nina Chelsea. Grabe, nakakabingi ng matindi. Nagtatatakbo sila sa loob. Dahil doon pinalabas sila. Zero na sila sa dissection.

Pagdating ng PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon