KUNOICHI 28

14.4K 422 73
                                    

XXVIII







6:39 a.m

KELLY 

"Tol.. Ano ba kasi nangyari? Bakit nagka-ganyan si anika? " tanong ni Shawn

Kahit ako hindi ko alam ang nangyari pero bakit nag dudugo ang noo ni anika? At si rina ang sinisisi nya at isa pa si rina rin ang nakita kong may hawak ng baseball bat pero bakit ko nga ba nagawa yon kay rina? 'Tanga ko!! Badtrip!! ' bakit ko ba sya gagawang saktan... Bigla akong nakaramdam ng guilt at hindi ko rin alam kung anong gagawin ko.. Hindi ko talaga sinasadyang saktan sya.. Hindi ko alam parang hindi ako to.. Kusang kumukilos ang katawan ko kahit hindi ko naman ginusto. Pero dahil siguro sa ginawa nya kay anika kaya ako nag kaganon.

"tol, Okay ka lang ba? " tanong ni ken pero hindi ako sumagot nandito kami ngayon sa Ospital nila casey dahil dito namin dinala si Anika.

"Mga pre eh diba hindi kasalanan ni rina ang nangyari At hindi dapat sya ang sisihin umamin naman yung lalake na may-ari ng baseball bat.. " Neil

"Tsk.. edi parang sinabi mo na si anika ang may kasalanan kahit sya ang nasa masamang kalagayan tss.. Ang labo mo rin eh.. " singhal ko

"hindi naman sa ganon , pero dapat mo ring alamin kung bakit ganon nalang ang ginawa ni rina kay anika na kung tutuusin nga eh wala naman syang kasalanan sa nangyari di ba? " seryosong litanya ni Neil

"tssss.. Eh nakita mo na ang nangyari diba? hawak ni rina ang baseball bat at si anika ang tinamaan ng bola! " sigaw ko sa kanya

"Okay! Sabi mo eh! .. Pero eto lang ang sasabihin ko ...." tumigil pa sya saglit at tumingin ng seryoso kunot noong tinignan ko naman sya" wag mo nang gagawin ang ginawa mo sa kanya kanina dahil hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sayo o kay anika pag ginawa mong ulit yon .. " malamig na tugon nya at saka lumabas ng office ni casey nagtaka naman ako sa sinabi nya .. 'wag mo nang gagawin ang ginawa mo sa kanya kanina dahil hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sayo o kay Anika pag ginawa mong ulit yon ..
' anong ibig nyang sabihin dun ?

"anong nangyari dun?" shawn

"Eh aba malay ko! Akala mo naman kilala nya si rina tss" sabi ko

"Teka guys .. may gagawin lang ako .. " si casey

"oh san punta mo?" i asked

"basta .. Jan lang sige una na ako "ngumiti sya samin saka lumabas

"Ano ba yan .. san naman kaya yun pupunta ?" ken asked i shrugged

A MOMENT OF SILENCE

"Eh ano plano ? " Pambasag katahimikan ni Shawn

"Ano? anong plano? " takang tanong ko kay shawn

"Tol ang plano mo kay rina .. ? Ano gagawin mo? "

"Aba malay ko .. Di ko sya kailangang alalahanin kundi si anika lang .. Si A N I K A.. kaya wala kahit sino sa inyo ang mag sasalita tungkol sa kanya ni anino nya ayaw kong makita .." tumayo ako para puntahan si anika lumabas na ako ng Office ni casey at iniwan ang dalawa sa loob .. Maya - maya pa ay may natanaw ako sa di kalayuan na parang nakita ko na ' teka san ko nga ba sya nakita ?'

May dating naman sya pero mas may dating ako kaysa sa kanya tsk. Napansin kong parang muka syang nag aalala ng parang ewan 'teka ano nga bang pake ko sa kanya ?' tss.. Hindi ko na sya pinansin at dumiretsyo na ako kay anika.. Pero narinig kong parang may kinakausap si anika.. Kaya naman na curious ako agad akong kumatok

KUNOICHI Where stories live. Discover now