Prologue

49K 1.2K 49
                                    

Prologue


Client


Jewel

"Doc, kumusta po ang anak ko?" Agad akong tumayo nang nakitang lumabas ang doktor na tumingin sa anak ko.

Umiling ito nang makalapit. "Kailangan na natin siyang operahan." anito.

Tumango ako sa doktor kahit hindi ko pa alam kung saan ako kukuha ng pera pambayad dito sa ospital. "Gawin n'yo po ang lahat." pakiusap ko.

Saka ko na lang iisipin ang mga gastusin ang mahalaga ay bumuti ang anak ko.

Halos umiyak na ako sa harap ng doktor. Halos magmakaawa ako magamot lang ang anak.

Tumango naman ito at nagpaalam na pupuntahan pa ang ibang pasyente.

Pinuntahan ko na rin si Primrose. Agad akong naawa nang makita siya. Durog ang puso ko sa kalagayan ng anak.

Kung puwede lang sana na ako nalang. Ako nalang ang dumanas ng hirap. Akin nalang ang sakit ng anak ko.

Nakakapanghina pero hindi ako puwedeng panghinaan lalo na ngayon. Ngayon ako pinaka kailangan ng anak ko. Lalo lang itong magiging mahirap kung magiging mahina rin ako.

Tingin ko kapag nanay ka na hindi ka na puwedeng maging mahina, lalo na sa mga sitwasyong ganito. Kailangan mong maging matapang. Kailangan malakas ka. Kailangang maging malakas para sa anak.

"Primrose..." bahagyang nabasag ang boses ko.

Bumaling siya sa akin at sandali kaming nagkatinginan. Mahina siyang nakahiga sa isang kama rito sa ospital.

"Mama..." nanghihinang tawag din niya sa akin.

Maagap kong nilapitan ang anak ko at nanatili lang ako sa tabi niya.

Nadudurog ang puso ko habang nakikita ang sitwasyon ng anim na taong gulang lang na anak ko. Mahinang-mahina siya at maputla. Hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong matakbuhan na kamag-anak. Dahil ang tanging pamilya na kinalakhan ko, si Lola, ay matagal nang patay.

Nang makatulog siya ay binilin ko muna sa nurses at isang nanay din na nakatabi namin doon sa ward. "Akin na ang number mo para matawagan agad kita o text. Ako na muna ang bahala sa kaniya." pagmamagandang loob nito.

Tumango ako at nagpasalamat. Nagpalitan kami ng cell phone numbers.

Huling tiningnan kong muli ang anak kong nagpapahinga kahit paano bago kailangan ko na munang umalis kahit hindi ko rin sana siya gustong iwan mag-isa roon sa ospital. Pero ano ang magagawa ko? Hindi ko rin puwedeng pabayaan ang kapatid niya na iniwan ko lang din sa kapitbahay nang kailangan ko siyang isugod dito sa ospital.

Halos wala ako sa sariling lumabas ng ospital at umuwi na muna sa amin.

Agad lang akong naalarma nang naabutan ang isang anak ko na dinadala na ng mga taong pinagkatiwalaan at pansamantala ko lang pinag-iwanan sa anak ko.

"Saan n'yo po dadalhin ang anak ko?!" Hinabol ko ang mag-asawang kapitbahay na pasakay na sa sasakyan nang naabutan ko. Iniwan ko lang sa kanila sandali si Prince. Sa kanila ko rin madalas iwan ang mga anak ko kapag naghahanap buhay ako. Maayos naman silang mga tao at tinulungan nila kami ng mga anak ko. Pero ano itong ginagawa nila ngayon.

"Mama!" Agad din na tumakbo papunta sa akin ang anak ko nang makita ako at agad yumakap.

Sumunod at lumapit sa akin sila Aling Edna. "Jewel, pumayag ka na kasi na ipaampon sa amin ang anak mo. Tingnan mo nga 'yang sarili mo. Nasa ospital pa ang isang anak mo at may sakit. Kapag binigay mo sa amin si Prince matututukan mo pa si Primrose. Alam mo namang hindi namin pababayaan si Prince-"

Villa Martinez Series #2: Love After The LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon