Chapter Thirteen

14.9K 628 62
                                    

Chapter Thirteen



Buhay



"Jewel,"

Natigilan ako sa pagpasok sa sasakyan at nag-angat ng tingin sa tumawag. My eyes widened and my heartbeat became fast. Hindi ko agad naalis ang tingin sa lalaking nasa harapan ko.

Four years.

"Jewel, love, I've been looking for you-" Sinubukan niyang lumapit pa pero umatras ako. Kita ko ang sakit sa mga mata niya nang nakita ang ginawa ko. Natigilan din siya.

"Hey," nasa tabi ko na rin si Trevor na kakatapos lang ilagay sa backseat si Lila.

Nagpalipat ang tingin sa amin ni Russel. I looked away. "Tara na, Trev." at mabilis na akong pumasok sa shotgun seat.

Maagap din na umikot si Trevor patungo sa driver's seat. Our car was locked. Kumakatok si Russel sa sasakyan namin pero pumikit lang ako hanggang sa tuluyan kaming nakaalis. Saka ko lang binuksan ang mga mata ko.

My phone rang and I answered it. It was Papa. Naiwan pa siya sa States at nauna na kaming bumalik dito sa Pilipinas. I wasn't sure if I was ready. Pero may mga negosyo rin na naiwan si Papa dito sa bansa na ako rin ang magmamana. "Papa," I answered his call.

Nangumusta siya. Kahapon lang din kami dumating at lumabas lang ngayon dahil may gustong kainin si Lila, my almost four years old daughter. Doon nga kami galing sa isang shop na nagbebenta ng sweets. Ang hilig talaga sa matamis ng batang ito. Nilingon ko siya sa backseat at nginitian. She smiled cutely at me, too.

"Okay lang po, 'Pa. Si Lila hinahanap ka na agad." sabi ko. Nasanay kasi ang anak ko na lumaki siyang kasama namin ang Lolo niya.

Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Papa mula sa kabilang linya. "I already miss her, too."

"Kaya nga po, 'Pa, sumunod na agad kayo rito." sabi ko.

Nag-usap pa kami at nabanggit niya na rin ang tungkol sa negosyo. Aasikasuhin ko na rin iyon. Nang ibaba ko ang tawag ay agad nagbalik sa akin ang nangyari kanina lang.

It was Russel. Ilang taon man ang lumipas ay makikilala ko siya. Wala naman gaanong pagbabago sa kaniya. Mukhang naging mas seryoso nga lang siya ngayong tingnan. Four years ago I left and hide. Ang gusto ko lang noon ay ang makalayo. But I can't run forever. There are things that I need to face. The last four years changed me. Hindi na ako iyong dating Jewel na walang pinag-aralan. I am now Jewel Anne de la Vega, the only daughter of a wealthy businessman and investor.

Nakapag-asawa rin noon si Papa. Pero maaga rin itong pumanaw dahil sa sakit na cancer. Hindi rin sila nagkaroon ng anak. Ngayon ay sabi niya masaya nalang siya at kuntento sa amin ni Lila. Siya rin ang nagpangalan sa anak ko.

"Are you okay?" sulyap sa akin ni Trevor mula sa pagmamaneho.

I nodded and smiled to assure him. He knows about my past. And he accepted everything about me. Few months ago kakasagot ko lang sa kaniya. Matagal din siyang nanligaw sa akin. Noong sinagot ko siya ay sinabi kong ang anak ko pa rin ang priority ko. At naintindihan naman niya. He's even helping me in raising my daughter. Wala na akong nakitang dahilan nang nagtagal para hindi pa siya bigyan ng pagkakataon. He's a good man. Sobrang buti niya sa amin ng anak ko.

Si Trevor ang pinagkakatiwalaan ni Papa sa businesses niya. Nakasama rin namin siya sa States. Although he would go home here para asikasuhin nga ang business ni Papa. And Papa really likes him for me.

* * *

"Sha," bati ko. Siya na ang naging assistant ko simula noon.

May doubts pa rin ako sa paghahawak ng businesses ni Papa but I have her and Trevor. And Papa, too. They're helping me. Si Trevor noon pa ako tinuturuan sa pagpapatakbo ng business namin. I am really thankful for him. Matagal na siyang pinagkakatiwalaan ni Papa.

Villa Martinez Series #2: Love After The LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon