Chapter One
Pustahan
Bakit kaya nakakapagsinungaling ang tao? Ang siguro ko lang ay may dahilan iyon. Maaring nakakabuti pa rin naman o sadyang nakakasama. Ano pa man ang maaring maging rason ng pagsisinungaling, nakakasakit pa rin iyon sa dadamin ng pinagsinungalingan.
"Russel, ano ba!" Hindi ko napigilan ang paglakas ng tawa sa paghabol niya sa akin at pangingiliti. Napatakip ako sa bibig at umiwas pa rin sa kaniya.
Nasa loob kami ng kinuha niyang malaking villa dito sa resort. Hindi na siya umuuwi sa mansyon ng madam, ang tiyahin niya na may ari nitong resort. Pagkatapos din ng trabaho ko na palagi siyang tumutulong ay dito na rin ako umuuwi sa villa niya.
"Tama na!" tili ko. Para kaming mga tangang naghahabulan doon paikot ikot lang naman sa kama.
Nahuli niya na ako. Ang malalaki niyang braso ay kumulong sa akin. Pabagsak siyang humiga sa kama kasama ako. Tumawa na naman ako nang kilitiin niya ang tagiliran ko. Nakahiga ang likod ko sa ibabaw ng katawan niya. Ayaw niya akong pakawalan.
"Tama na..." nanghina kong sabi, napagod din sa munting habulan namin dito sa kwarto at tawanan.
Inikot niya ako at pinaharap sa kaniya. Nagkatinginan kami. Parehong may ngiti sa mga labi.
Aaminin ko noong una ko siyang nakita nakaramdam na rin ako ng pagkagusto sa kaniya. Nga lang narinig ko rin sa mga kasama sa trabaho na playboy raw ito. At nakikita ko rin siya na nakikipaglandian sa mga guests nila sa resort. Ang sabi pa dati rin daw sa mga staff na kagaya ko. Kaya noong nilapitan niya ako ay umiwas ako. Guwapo nga siya pero ayaw ko naman ng babaero. Mukha lang naman 'yan. Iba pa rin 'pag loyal.
Pero sobrang kulit niya. Sunod siya ng sunod sa akin. Pinapakialaman pa niya ang mga gawain ko. At kalaunan nakikita kong hindi na talaga siya lumalapit pa sa iba. Mukhang nasa akin na talaga ang atensyon niya. At ang hirap lalo noong napakilala ko na siya kay Lola tapos naging malapit na rin sila. Gusto siya ni Lola. "Iyang si Russel, nakikita ko na gusto ka talaga niya, apo." sabi sa akin ni Lola.
Tiningnan ko si Russel na nagwawalis sa bakuran namin. Bahagya akong napatawa. Hindi naman marunong. Parang lalo lang niyang kinakalat ang mga tuyong dahong nalaglag mula sa ilang puno ng bakuran namin imbes na ligpitin o ipunin sa isang tabi. Nilapitan ko na nga at inagaw sa kanya ang walis. Pero ang kulit talaga. Nag-agawan tuloy kami hanggang sa naghabulan na naman sa bakuran ng maliit naming bahay ni Lola.
Inangat niya ang ulo para maabot ang mga labi ko at mahalikan. Pumikit naman ako at dinama iyon. Hanggang naramdaman ko na sa likod ko ang lambot ng kama. "Russel," tawag ko. Bumaba na sa leeg ko ang halik niya. Umaawang ang labi ko sa sensasyon. "meron nga ako." paalala ko sa kaniya.
Iyon ang rason kung bakit naghahabulan kami dito kanina sa loob ng villa niya. Pagkalabas ko kasi ng bathroom agad niya akong inatake ng halik at alam ko na ang gusto niyang mangyari. Ang hilig din niya. Minsan nakakatulugan ko na lang siya. Ayaw niya akong tigilan. Isang beses nga kinailangan pa niya akong dalhin sa doktor. Buti 'di naman malala. Nasobrahan lang talaga kaya pagkatapos no'n nililimitahan na rin niya ang sarili. Sa dami siguro ng naging babae niya noon hindi na siya nakukuntento...
"Patingin nga kung totoo." sabi pa niya ng pigilan ko siya kanina paglabas ko pa lang sa banyo. Ayaw pa maniwala. Kaya tinakbuhan ko tuloy siya. Pero nahuli niya pa rin ako.
"Russel," tawag kong muli. Parang wala siyang narinig. Nanatili pa rin siyang humahalik sa leeg at dibdib ko. Hindi ko mapigilan ang mahinang pag-ungol. Iba talaga ang nagagawa niya sa katawan ko.
Naramdaman kong bumaba ang isang kamay niya sa mga hita ko. Tapos sa gitna at dinama ng palad niya ang pagkababae ko. Alam kong naramdaman na niyang nagsasabi nga ako ng totoo.
Para siyang nanghina sa ibabaw ko nang makumpirma niya. Napatawa naman ako. "Sabi ko naman sa 'yo."
Hindi siya gumalaw.
"Iyong kamay ko nalang..." suhestiyon ko sa kaniya.
Nagawa ko na rin iyon noon sa kaniya. Tinuruan niya ako. Sa kaniya ko lang natutunan at nadiskubre ang mga ganoong bagay.
"I want your pussy." medyo bulgar at walang hiya hiya naman niyang sinabi nang diretso sa akin.
Tinampal ko siya sa balikat. Tumawa lang siya at niyakap ako ng mahigpit.
* * *
"Kaz," natigil kami ni Russel sa paglalakad pabalik sa villa niya.
Wala akong trabaho ngayong araw at nakapagpaalam naman ako kay Lola na hindi muna uuwi sa amin. Galing kami ni Russel sa restaurant at kakakain lang ng dinner. Buong araw kaming nag-enjoy sa mga activities sa resort. Tunuruan ako ni Russel sa ilang activities na ino-offer sa island resort nila. Unang beses kong nagawa ang mga 'yon. Dito nga ako nagtatrabaho sa resort pero hanggang tingin lang naman ako sa mga ganoon noon. Nag-s-serve lang naman ako dito madalas.
Bumaba ang tingin ni Kaz sa kamay namin ni Russel sa na magkahawak. Kaibigan siya ni Russel. Noon ko pa alam na ayaw niya sa akin... At parang may gusto siya kay Russel... Pero sabi naman ni Russel magkaibigan lang talaga sila.
Nakaalis na sila noong nakaraan pa. Si Russel nalang ang naiwan dito.
Hinarap ako ni Russel. "Mauna ka na sa villa. Hintayin mo ako doon. I'll just talk to her, okay?"
Tumango naman ako at nauna nang naglakad. Iniwan sila doon.
Umupo ako sa kama ng villa nang makapasok ako doon. Pero nang pakiramdam ko nagtatagal na si Russel lumabas ako para balikan din siya.
Naabutan kong nag-uusap... o parang nagtatalo sila ni Kaz. "What's with that girl? She's just a cheap-"
"I said enough!" lumakas ang boses ni Russel.
Natigilan ako doon at hindi natuloy sa paglapit.
"Pustahan lang dapat natin! Wala sa usapan na-" si Kaz na natigilan nang hindi ko napigilang sumabat.
"Pustahan?" nanginig agad ang mga labi ko nang unti-unti akong lumapit sa kanila.
Maagap akong sinalubong ni Russel. "Babe, let me explain-"
"Yes! Pinagpustahan ka lang namin. Tingin mo ba talaga gusto ka ni Russel-"
"Shut up!" malakas na malakas na ang sigaw ni Russel kay Kaz na natigilan ito at napaatras. "Leave!"
Walang nagawa si Kaz at mukhang natakot kaya umalis at iniwan kami doon.
Nakaawang naman ang labi ko hindi dahil sa pagsigaw ni Russel kung 'di sa nalaman ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Sinalubong naman niya ang mga mata ko. "Baby," hinawakan niya ako. Nakita ko ang pag-aalala at takot sa kaniya.
"Totoo ba..." unti-unti ang pagsakit ng puso ko lalo nang dahan dahan siyang tumango.
Bumagsak nalang ang mga luha ko.
Mabilis niya akong niyakap.
BINABASA MO ANG
Villa Martinez Series #2: Love After The Lies
General FictionPublished by KPub Book Publishing (2023) "Love After the Lies" was added to the Wattpad Romance PH official reading list "Crazy, Rich, Love!" in 2022. --- Unang kita pa lang ni Jewel kay Russel ay nakaramdam na siya ng pagkagusto rito. Pamangkin it...