Chapter Eighteen

16K 658 140
                                    

Chapter Eighteen



I don't know anymore



Hinatid pa rin kami ni Russel sa bahay. Tahimik siya. Ganoon din si Primrose. Si Prince naman ay abala lang kay Lila. Bumaba kami ni Lila sa sasakyan at ang yaya nang makarating.

Pinanood ko ang sasakyan nila na umalis.

"Mama..." Dumapo ang maliit na kamay ni Lila sa basa kong pisngi habang buhat ko siya.

Hindi ko agad naramdaman na lumuluha na naman pala ako.

Mabilis kong pinunasan ang mga pisngi ko at tuluyan na siyang pinasok sa bahay.

I already realized my mistakes. Years had past at naging duwag ako. I realized na nagpadalos-dalos ako. Alam kong mali na basta nalang ako umalis noon. But I was hurting... Alam kong hindi lang naman ako ang nasaktan... Pero hindi ko kinaya... I wasn't as strong as how I supposed to be? Dapat ba palaging matapang? Dapat ba palaging malakas ang loob? Hindi man matanggap ang rason ko... Pero ganoon ako, e. Hindi ako kasing tapang ng iba. Hindi palaging sapat ang rason ko. Dahil ang totoo ay naging duwag ako. Duwag ako noong harapin ang sakit at manatili...

And I am guilty... Hindi ko alam kung paano pakikiharapan si Russel. Natakot ako, nahiya. I didn't really know what to do. Hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa ang mga nagawa at nasabi ang mga nasabi. Naguluhan ako. Nawala na ako sa tama. Pakiramdam ko puro nalang mali ang mga nagawa ko.

Ilang buwan ang nakalipas nang umalis ako ng bansa noon at sumama kay Papa sa America ay doon ko pa lang nalaman na buntis na pala ako kay Lila. Wala kasi akong naranasang sintomas ng pagbubuntis noong pinagbuntis ko siya kumpara noong buntis ako sa kambal. Kaya hindi ko agad nalaman. Naisip ko noon na ipaalam kay Russel... Pero nang mga panahong iyon ay gusto ko lang makalimot sa sakit sa inakala kong pagkawala ng mga anak ko. At inaamin ko, sinisi ko siya... Ganoon naman minsan ang tao, hindi ba? Kapag sobra kang nasasaktan naghahanap ka ng masisisi para sa dinaranas na sakit.

Kaya naging makasarili ako. Nag-focus ako noon sa pag-aaral ko at kay Lila. Unti-unti rin akong sumaya muli dahil sa anak ko. At si Trevor, he was there for me and Lila. So I gave him a chance. Inisip ko rin na iyon na ang magiging buhay ko. Gusto kong kalimutan ang masakit kong nakaraan. I was selfish. I was afraid of the pain...

At noong nagbalik ako at nalaman ang katotohanang buhay pa pala ang mga anak ko... Nagulo ang utak ko. Kaya kung ano-ano nalang ang mga nagawa at nasabi ko... Hindi ko sinasadya... I am fucking weak. And I feel like I don't deserve Russel and my children anymore... Pero gusto ko silang ipaglaban. Babawi ako. Pagbabayaran ko ang mga maling nagawa. Natuto na ako. Pinagsisisihan ko...

Ako:

Puwede ko bang dalawin ang mga bata ngayon?

I sent Russel a text message.

Hihingi ako ng tawad kay Primrose. Hindi ko naman sinasadya na mapagbuhatan ng kamay ang anak ko. Nasaktan lang din ako sa mga nasabi niya. Pero alam kong nasasaktan lang din ang anak ko. Nasaktan ko siya. Kaya sana ay bigyan pa niya ako ng pagkakataon. Hindi ako titigil.

Tumunog ang phone ko at agad kong tiningnan ang reply ni Russel.

Russel:

Yes. Nandito lang kami sa bahay.

Agad akong nagbihis at nag-ayos. Hinanda ko rin si Lila. Kailangan ko na rin sabihin kay Russel ang totoo tungkol sa kaniya... Kailangan ko nang itama ang mga mali ko... Kung hindi ko man maitama ay sana mabigyan naman ako ng pagkakataong ayusin...

Bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Sha. Sinusuutan ko pa ng sapatos si Lila.

"May pupuntahan kayo?"

Villa Martinez Series #2: Love After The LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon