Chapter Seventeen

15.2K 701 95
                                    

Chapter Seventeen



Slap



Ako naman ang dumalaw sa mga anak ko sa bahay nila... Siguro mas kumportable si Primrose kung dito kami. Alam na rin ni Russel na pupunta ako. Wala siya doon. He's working kahit weekend.

"Mama," sinalubong kami ni Prince at kinuha pa niya ang kapatid niya sa akin.

Agad akong napangiti. Sinama ko na si Lila sa akin. Para makasama niya rin ang mga kapatid niya. Lila giggled nang panggigilan siya ng kuya niya. "You're so cute." Prince kissed his sister's cheek. Binuhat pa niya ang kapatid niya.

"Oh, careful," hindi nawala ang ngiti ko. Natutuwang nakikita ang mga anak na ganoon.

"Ma'am," binati rin ako ng kasambahay.

"Magandang umaga po." I greeted them politely.

Ang kilala at naalala ko lang ay ang dalawang yaya na noon ng kambal. May nadagdag nang isang matandang kasambahay at ilan pa.

"Tawagin mo nalang akong Manang Letty." nakangiting anang kasambahay sa akin.

Ngumiti ako. "Jewel nalang din po."

"Sige, maghahanda muna kami ng pananghalian. Dito na kayo manananghilian, hindi ba?"

Tumango ako. "Salamat po."

Ngumiti lang sa akin ang matandang kasamabay at nagtungo na sila sa kusina.

"Si Primrose?" tanong ko sa naiwang mas batang kasambahay.

"Nasa kuwarto pa po niya. Pero pababa na rin iyon. Kakatapos lang din kasi maligo." ngumiti ito.

Nagpasalamat ako at bumaling na kanila Prince. Nilalaro nito si Lila doon sa malapad na living room ng bahay. Nilibot ko ang tingin sa paligid. It was really a huge house. Mas malaki iyong mansiyon ni Papa na tinitirhan namin ngayon but this is also large and nice.

Napatingin ako sa malaking family portrait na naroon sa dingding ng living room. Napansin ko na rin ito noong nakaraang unang beses na nakatapak na rin ako dito. Pero ngayon ko lang napagtuunan. Dati pa naming picture na apat iyon. Kuha actually iyon noong nag-p-prenup photoshoot kami noon ni Russel para sana sa kasal namin...

Nagbaba ako ng tingin.

Narinig ko si Primrose na bumababa ng hagdan. Agad ko siyang sinalubong ng ngiti. Kamukha talaga sila ng kambal niya ni Russel. Ang puti at ang ganda ng anak ko. Ang tangkad niya na rin gaya ni Prince. At nagdadalaga na kung manamit. Napansin ko rin na mukhang mahilig siya sa jewelries. Palagi siyang may suot na hikaw o kuwintas at mga pulseras. Ang elegante niyang bata. Naisip ko ngang bibigyan ko rin siya ng alahas.

Tumingin din siya sa tiningnan ko kanina. "Papalitan na rin namin 'yan." bumaling siya sa akin.

Unti-unting nawala ang ngiti ko.

"Luma na 'yan. Dapat nang palitan. Sinabi ko na kay Daddy. Ang dami naming pictures na magaganda kaysa diyan."

Muli akong napatingin sa portrait naming apat. Pareho kaming apat na nakaputi sa larawan. Twinning ang suot naming dresses noon ni Primrose habang pareho rin puting polo ang suot nina Prince at Russel...

"Wala ang Daddy n'yo... Uh, nagtatrabaho siya kahit weekends?"

"Emergency meeting." she said. "He spends most of his time with us."

Tumango ako.

Ngumiti ako sa anak ko. "You like jewelries?"

"Hmm," napahawak siya sa suot na kuwintas sa kaniyang leeg. "Lola Lani gave this to me."

Villa Martinez Series #2: Love After The LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon