Epilogue

29.8K 1K 206
                                    

Epilogue



Love



Jewel

Sumunod pa ang mga kasinungalingan.

Lalo iyong pagsabi ko kay Russel ng kasinungalingan tungkol kay Lila. Alam kong maling-mali ako doon. Natanggalan ko pa rin siya ng karapatan sa anak namin. At pinagsisihan ko na iyon.

Kaya naiintindihan ko ngayon kung hindi ito magiging madali para sa akin. Alam kong hindi rin naging madali para sa mga anak ko. Hindi rin ito madali para kay Russel.

"Where are you going?" he asked nang naabutan niya akong nakabihis at mukha ngang may pupuntahan.

"Uh, bibisitahin ko lang ang libingan ni Lola,"

He nodded. "Puwede kitang samahan?" he asked.

Hindi ko pa iyon inasahan pagkatapos ng nangyari sa huli naming pag-uusap. Napangiti ako at tumango. Magpapaalam na rin sana ako sa kaniya pero hindi ko siya mahanap kanina. Abala siya sa mga anak namin.

"Ang mga bata,"

"Iwan muna natin sila kanila Mommy at Dad." sabi niya.

Tumango ako at napanatag na.

Iniwan nga muna namin ang mga bata sa Lolo at Lola nila.

Tahimik kami ni Russel hanggang makatawid sakay ng bangka. Hindi pa kami nakakapag-usap ulit simula kagabi. Tumingin ako sa paligid. Dito sa lugar na ito ako lumaki. I smiled a bit with the memories. Dito sa buhanging tinatapakan ko ngayon madalas kaming maglaro nina Tisoy at Sha noon.

"Dumaan muna tayo sa bahay?"

He nodded.

Iyon nga ang ginawa namin. Pinuntahan muna namin iyong dati naming bahay dito. Kung saan ako pinalaki ni Lola Karolina. Parang siya na rin ang naging ina ko dahil maaga talagang pumanaw si Mama.

"What's your plan with this house?" I heard Russel asking behind me.

I turned to him. "Hindi ko pa alam... Pero ayaw ko rin ibenta. I grew up here." Tumingin muli ako sa paligid ng bahay. Maliit lang ang bahay pero may malapad na bakuran.

"If you want puwede natin gawing bahay bakasyunan," Russel suggested.

I smiled at him. Kahit medyo seryoso pa rin siya. Tumango ako. Puwede iyon at malapit lang din ito sa dagat sa likod. May kalayuan din ang mga kapitbahay.

Sinarado ko na uli iyon at ni-locked. Tinulungan din ako ni Russel sa pag-s-secure ng bahay. Pagkatapos ay tumuloy na kami sa sementeryo. May dinaanan lang kami para makabili ng bulaklak at kandila.

"Lola..." I whispered when we were already there.

Nilapag ni Russel ang bulaklak na dala namin doon at sinindihan ko naman ang kandila.

"Alam ko, Lola, masaya ka ngayon na makitang magkasama pa rin kami ni Russel..." Sinulyapan ko si Russel sa tabi ko na tahimik lang na nakatingin sa puntod ni Lola.

Villa Martinez Series #2: Love After The LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon