Chapter Five
Kaba
"J-Jewel," halata ang gulat sa mukha niya.
"Kaz, it's late. What are you doing here?" tanong ni Russel sa kaniya.
Iyon din ang tanong ko. Sila ba? Kung ganoon ginagawa pala akong kabit ni Russel. Hindi na talaga siya naawa sa akin. Gusto kong pagsisihan na nakilala ko pa siya. Sobra na ang pinagdaanan kong hirap. Pero ayaw ko rin pagsisihan ang lahat dahil dumating sa buhay ko ang mga anak ko. Ayaw kong pagsisihan na may mga anak ako ngayon na silang nagbibigay ng lakas at inspirasyon sa akin para pagbutihin pa ang buhay ko.
"U-Uh, we were calling you... Pero hindi ka sumasagot. Birthday ni Jake... Nasa bar na sila ngayon..." halos hindi niya maalis ang tingin sa akin.
Naalala ko. Siya iyong huli kong nakita bago ako nawalan ng malay at nagising nalang na may lalaki nang nakapatong sa akin. Parang bumalik ang takot ko nang mga sandaling iyon. Kung hindi ako naabutan ni Russel noon... "Ikaw..." sabi ko bigla, nakatingin sa kaniya.
Kita ko ang takot niya.
"Naaalala ko. Ikaw ang huli kong kausap at kasama nang gabing 'yon... Bago ako nagising na... na may lalaki na... Hindi ba't villa mo iyon? Pumunta ako sa villa mo no'n para maghatid ng pagkain," Nanlalaki ang mga mata ko habang inalala ang mga nangyari. Ang luha ay namumuo na rin sa mga mata ko.
"Jewel," hinawakan ako ni Russel sa tabi ko.
Bumaling ako sa kaniya at nakitang mukhang naguguluhan siya sa sinasabi ko. Muli akong tumingin kay Kaz na nakitaan ko ng takot at guilt. Lalong lumakas ang kutob ko na may kagagawan siya sa nangyari noon sa akin. "Ikaw ang may kagagawan no'n, hindi ba?" akusa ko sa kaniya.
"Russel-" tawag niya kay Russel para siguro magpaliwanag.
Bumaling akong muli kay Russel. Ang luha ay nagtatangka na talagang bumuhos mula sa mga mata ko. "Nang gabing 'yon, siya," tinuro ko si Kaz na nakatayo doon. "Siya ang huli kong kausap. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at nagising nalang ako sa villa niya-"
"It was your villa?" seryosong bumaling si Russel kay Kaz na nangislap na ang luha sa mga mata.
"R-Russel..." umiling si Kaz, may pumatak na luha sa mata. "I-I'm sorry," tuluyan na siyang naiyak sa kaba siguro at takot.
Umawang ang labi ni Russel habang nakatingin sa kaibigan niya.
Bumuhos na ang mga luha ko. Naalala ang gabing iyon. Ang takot. Ang sakit. "Sinadya mo iyon?" Umiiyak akong nakatingin kay Kaz na kitang guilty sa nagawa. "Ang sabi mo pa gusto mo rin na maging maayos tayo... Iyong juice? Ano'ng nilagay mo?" naisip ko na rin ito noon pa man.
"Did you fucking drugged her?!" Biglang malakas ang boses ni Russel na masama na ang tingin sa kaibigan niya.
Lalong umiyak si Kaz. Umiling siya. Panay ang hingi ng tawad. "I'm sorry... I'm sorry..."
Dinala ako ni Russel sa mga bisig niya at niyakap. Umiyak ako sa dibdib niya. Bumalik sa akin iyong takot ko sa nangyaring iyon. Ang sama, sama niya na kaya niya akong ipagahasa dahil lang gusto niya si Russel...
"Leave." Narinig ko ang mariing sinabi ni Russel sa kaibigan niya.
Hindi ko na nilingon si Kaz. Hanggang sa sinara ni Russel ang pinto nang makaalis ito. Inalo niya ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at sinubukang punasan ang mga pisngi kong basa na sa luha. Narinig ko ang pagmumura niya at muli akong niyakap.
"Mali ka... Hindi ako naghanap ng iba... Hindi ko 'yon magagawa sa 'yo..." nasabi ko rin sa pagitan ng mga pag-iyak.
"Shush, I believe you. I'm sorry... I'm sorry..." naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko.
"Sana noon mo pa 'ko pinaniwalaan." Marahan ko siyang tinulak.
Nagbalik sa 'kin ang sakit. Sobra-sobrang sakit na ang bilis niya lang akong pinaratangan ng ganoon. "Pinagkatiwalaan kita ng buong-buo. Binigay ko sa 'yo ang sarili ko. Ang lahat, lahat sa akin... Pero bakit ikaw ang bilis mo lang akusahan ako nang ganoon..." nasumbat ko rin kasabay ng pagluha.
Sinubukan niya akong abutin pero iniwas ko ang sarili at umatras. Kita ko ang takot sa kaniya. Ang guilt at pag-aalala. Pero higit ang takot na nakita ko sa mga mata niya.
Umiling ako at tinalikuran siya. Handa nang umalis. Maagap niya akong nahawakan sa siko at napigilan. "Jewel-"
"Ano ba, Russel!" marahas ko siyang hinarap. "Hayaan mo muna ako..." nanghina kong pakiusap. "Alam kong malaking halaga ang binayad mo sa akin." Umiling siya pero nagpatuloy ako. "Huwag kang mag-alala at patuloy ko iyong babayaran ng serbisyo ko..." muli pang bumuhos ang luha ko kasabay ng paghikbi.
Hindi na niya ako napigilan nang mabilis kong nilisan ang penthouse niya.
Halatang galing sa pag-iyak ang mga mata ko nang nakarating ako sa ospital. Mabuti at tulog na ang mga anak ko. Nagising si Melba at nakita ang ayos ko. Nakitaan ko ito ng pag-aalala. "Ate,"
"Puwede kang umuwi muna, Melba, pero gabing-gabi na. Kung nagugutom ka bumili ka muna ng pagkain mo," inabutan ko siya ng pera mula sa wallet ko.
"S-Sige," tinanggap niya ang pera. "Ikaw, ate? Bilhan na rin kita,"
Tumango ako. "Kape nalang, salamat."
Lumabas na siya ng silid ni Primrose. Tiningnan ko ang mga anak ko na parehong mahimbing na natutulog. Mas maayos ang tulog nila rito dahil may Air Con at hindi mainit kumpara sa bahay namin na kahit may electric fan ay naiinitan pa rin talaga sila. Maliit lang kasi iyon at halos sarado pa. Naiipit ng ibang mga bahay sa katabi.
Sa kumportable namang sofa natutulog si Prince. Ang kambal naman niya ay sa hospital bed. Nilapitan ko muna ang anak na nahihimbing sa sofa, yakap pa ang isang unan na hugis hotdog na binili ko para sa kaniya. Napangiti ako at marahan siyang hinagkan. Maingat na hindi magising. Pagkatapos ay pinuntahan ko naman ang kambal niya. Maingat ko rin itong hinagkan at hinaplos ang pisngi at buhok. Hinila ko ang isang upuan palapit at naupo doon sa tabi ng bed. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Ate,"
Lumingon ako kay Melba na nakabalik na agad. Ni hindi pa siya nagtatagal. Nasa baba pa ang cafeteria nitong hospital. Kumunot ang noo ko nang makitang wala rin siyang dala.
"May tao sa labas, 'te. Nagtatanong tungkol sa 'yo."
Agad akong nakadama ng kaba. "S-Sino," napatayo rin ako.
"Lalaki, po. Pogi!" halos humagikhik pa si Melba.
Nanlaki ang mga mata ko. Wala akong ibang maisip kung 'di si... Russel... Sinundan niya ba ako? Dumoble ang kabang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Villa Martinez Series #2: Love After The Lies
General FictionPublished by KPub Book Publishing (2023) "Love After The Lies" was added to the Wattpad Romance PH official reading list "Crazy, Rich, Love!" in 2022. --- Unang kita pa lang ni Jewel kay Russel ay nakaramdam na siya ng pagkagusto rito. Pamangkin it...