💛
I just want to be in the kitchen, make my parents happy just by cooking for them.
Gusto kong lutuin lahat ng paborito nila. Mag gisa lang ng sibuyas at bawang, ihalo ang karne, budburan ng paminta at asin, lagyan ng suka at toyo, lagyan ng pagmamahal.
I was just 13 that time, mababaw ang pangarap, pero alam ko yun ang makapagsasaya, magpapakompleto sa akin balang araw. Pagdating ng araw, magkakaroon ako ng sarili kong pamilya, mabait na asawa, mabubuting mga anak. That is all my dream, a childish dream of mine.
"Running for cum laude is not that bad, pero alam mo anak umasa talaga kami nang mama mo kahit magna man lang, but it's okay as long as you graduated top of your class, I am so proud of you. Basta ba sa law school pagbubutihan mo pa lalo, you can be a topnotcher."
I just smiled, and maging cumlaude sa kursong Political Science ay napakahirap ng marating, tapos ngayon parang inaasahan pa nila akong maging Top sa bar exam.
"Opo papa." Tipid kong sagot.
"That's good anak, basta lang ba makikinig ka sa amin palagi nang mama mo, you will be fine."
Alam ko, they know what's best for me, only the best, pero hindi naman lahat ng best napapasaya ka nito.
Kaya lahat ng gagawin ko dapat aprubado nila, sa pananamit, sa salita, at sa gawa.
You need to have the class, the formality, the elegance, dapat kapag kaharap mo ang madla, palagi kang presentable, hindi kahiya-hiya.
I am bringing my surname with me. Alicante
In high school they were not hoping that I will be top of my class, I skipped classes, I am one of the school's problem, mainit ang dugo sa akin ng principal, pero wala siyang magawa, she just shut her mouth, at tinataasan nalang ang kanyang pasensya.
I got 75, 76, 79, in every subject, I am proud that I got 80 in Values Education. Basta ang importante hindi bagsak.
After my graduation, I am so busy preparing for law school, I am afraid that I can't make it, but I am trying, I don't want to disappoint my parents. Hindi basta-basta ang San beda, kailangan mong ibigay ang lahat mo, kung binigay ko man ang lahat-lahat nung college, kailangang mas doblehin ko ito ngayon.
I am studying for the entrance exam, matagal pa ito but I am preparing for it.
"We are so proud of you talaga Dana, biruin mo yun, pasang-awa ka nung Highschool, patulog-tulog ka lang sa clase, active ka lang pag nutrition month, pero anong nangyari sa iyo ngayon, iba ka na girl. Ang laki ng binago mo, ganyan ba sa Maynila. Sana dun nalang din ako nag-aral, baka hindi ako irregular student ngayon."
Tina said, matagal din kaming hindi nagkita, hindi ako palaging umuuwi ng San Sebastian, umuuwi lang ako kapag kaya ng oras ko, pero madalas sila ni mama at papa ang bumibisita sa akin sa Maynila.
"Alam mo anong kulang sa iyo girl, Jowa nalang, wala ka ba talagang balak mag jowa? NBSB ka girl. Graduate ka na, balita ko marami kang manliligaw, bakit wala ka man lang sinagot? ang choosy mo ha."
"Busy pa ako, mag-aaral pa ako." Walang gana kong sagot sa kanya habang busy a pagbabasa ng makakapal na mga libro tungkol sa law.
"Don't me girl, alam ko ang linyang yan, hindi ko yan makakalimutan, naka print nayan sa puso at isip ko, kaya hindi mo na ako maloloko, hay naku! bakit pa kasi ayaw pang aminin, marami pang pasikot-sikot."
"Wala ka bang klase? Bakit ka ba nandito ha?"
"Ang sungit-sungit na, hay naku! Alam ko naman na hindi Maynila ang nakapagpabago sa iyo, kung hindi ang San Sebastian, maiwan na nga kita, baka hindi pa ako makagraduate sa October dahil sa iyo."
MInsan hindi mo alam kung ano ang gagawin mo, kung ano ang uunahin mo, anong pipiliin mo. Minsan sa pagpili mo nang bagay na ito may maaapakan kang tao, may masasaktan ka, hindi mo alam pati sarili mo nasaktan mo na rin.
Akala ko pagkatapos ko sa kolehiyo, makakahinga ako nang maluwag, hindi pala, habang patagal nang patagal, iniisip ko bakit ko ba ito ginagawa, bakit ko ginagawa ang mga bagay na hindi ko gusto.
"Dana, di ba nanliligaw sa iyo ang anak ni Engineer Corpuz? Balita ko, kakapasa lang sa board exam ang anak niya, engineer din ang tinapos, hindi mo ba gusto anak?"
Papa asked me while we are eating our dinner.
"Hindi po."
Diretso kong sabi sa kanya.
"Bakit naman anak, mabait ang batang iyon, matangkad, matipuno, at matalino, higit sa lahat galing sa maykayang pamilya."
"Hindi ko po siya gusto, I am focusing on my studies papa, kapag nagka boyfriend ako, baka hindi ko kayanin."
"Natatakot lang naman ako, hindi ka pa nagkakanobyo, right Margarrete?"
Mom just looked at Dad, ngumiti lang siya na para bang may gusto siyang sabihin kay papa, pero hindi niya magawa.
"Baka hindi ka na magkanobyo niyan anak."
"Wag ka yung mag alala, Pagkatapos ng Law School."
------------------------