Chapter 3

89 2 0
                                    

"Manliligaw ka sa akin?"

"Oo!"

"Sorry pero busted ka na, bata pa ako, mag-aaral muna ako."

"Hindi mo ba talaga ako gusto? Ganyan ang mga linya ng mga babae kapag ayaw nila sa lalaking nanliligaw sa kanila."

"Alam mo pala eh."

"Ilang araw na tayong magkachat, wala ka man lang nararamdaman sa akin?"

Ang manhid kuya, ang hirap paintindihin.

"Busy ako, mag-aaral pa ako. Kaya please lang, maawa ka naman sa akin. Hindi ako nagpapadalos-dalos jan, baka ma semplang lang ako, ma head injury pa, kaya ayaw ko."

Kanina pa siya kulit ng kulit sa akin sa chat, anong akala niya sa akin, pang chat lang ang beauty? At kahit naman idaan niya ako sa personal na panliligaw, hindi parin pwede.

"Sunduin kita mamaya."

Ayan na naman yang sundo-sundo, maraming nadidisgrasya dyan.

"Kotse?"

"Motor lang."

Hindi naman ako maarte, pero kailangang artehan ko tong isang to, para ma discourage sa akin at tigilan na ako.

Yes ako to Si Davina Elianor Alicante, maarteng nilalang kaya humanda ka.

Ang usapan namin ay ala-singko.

Pure Filipina ako, pero kapag oras na ang pinag-uusapan, hindi ako Filipino time, kapag alas singko, alas singko talaga.

Naghintay ako sa tapat ng aming gate.

Pwede naman akong maghintay sa loob ng aming bahay, pero mas pinili ko nalang maghintay sa labas.

This is insane, kailan man hindi ko nagawang maghintay sa isang lalaki o di kaya'y babae man lang.

They respect my time.

Kapag nirespeto mo ako, respetuhin mo rin ang oras ko.

6 minutes before 5 o'clock.

Asan na ba siya?

Hindi naman uso yung traffic sa San Sebastian nu.

Ang lawak-walawak at napakaganda ng kalsada.

Jusko, alas singko emedya na, wala parin siya, nilalamok na ako.

"Ma'am ano po ang ginagawa niyo dyan?" Tanong ni Kuya Erming, namamasukang sekyu sa amin.

"Hinihintay ko lang yung sunset kuya, ang tagal. Pang instagram lang."

"Iba na talaga ang mga bata ngayon, pati pag lubog ng araw hinihintay na."

"Yes naman kuya, yan ang tinatawag na effort."

"Sige ma'am, maiwan muna kita jan,nilalamok pa naman kayo."

"Walang probema, kuya Erming, sige go ka na dun. Whoaaah! grabe ang tagal ng sunset."

Grabe! wala ba siyang relo, alas sais na, pag ako naabutan ng mga magulang ko rito, patay ako sa kanila.

Nakita kong may motor na kulay red na may black, maganda ang motor niya. Motor ng single.

"Sorry natagalan ako."

"Walang anuman, wag kang mahiya ha, ako lang to."

"Bakit naman ako mahihiya sa iyo?"

Forever Just BegunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon