Naloka ako sa buong linggo. I am so tired of studying and memorizing law terms, it's kind a confusing and challenging for me.
Sana pala Legal management ang kinuha kong pre-course nung college.
"Ganyan ba talaga kahirap?" Nandito na naman si Tina nakatambay sa kwarto ko. Kumakain siya ng 1.5 na ice cream.
Hindi ko ma-imagine ang self ko kapag nagbuntis, baka mas doble pa jan ang kainin ko.
"Hindi naman gaanong mahirap, pero alam mo na, hindi ako pinanganak na genius, so mahirap siya para sa akin, siguro para sa iyo madali lang."
"Wag mo namang maliitin ang self mo Dan, at wag mo namang sabihin na matalino ako, haler 85 lang ako sa Math, at yun ang pinakamalaki kong grade."
"Totoo naman eh matalino ka, ako kwelat." Bumuntong hininga nalang ako.
"Hindi na tayo makakainom nito kasi buntis na ako." Iniba niya ang usapan, mukhang namiss niya ang pag-inom ha.
Namiss niyang sumayaw at magwala sa ilalim nang napakalakas na tugtog ng musika.
"Buti alam mo."Tugon ko.
"Alam na ba yan ng mga magulang mo?'
"Hindi pa." Parang wala lang sa kanya yung sinabi niya yun.
Hindi siya kinakabahan?
Sana all.
"Gaga ka ba? Magdadalawang buwan na yan."
"Napag-usapan namin ni Jess na baka manganak muna ako tsaka na kami magpapakasal, pagpaplanuhan muna namin kung paano namin sasabihin."
"Sabagay, kaysa naman, malaki tiyan mo na haharap sa altar."
"Yes Dan, dapat talaga yung virgin na virgin ka na haharap sa altar, kasi nga di ba naka white gown ka, buti nalang ikaw Dan, never been touch, never been kiss ang peg mo."
Napangisi nalang ako.
"Nagchachat parin sayo?" Tanong niya.
"Sino?"
"Si sir."
Ayaw ko na siyang pag-usapan pero ino-open parin niya.
"Ah, si Ramses!" I said.
"Yes."
"Oo! ang kulit nga eh."
"Bakit hindi mo bigyan ng chance?" Tanong nang buntis.
"Saan ba mabibili ang chance? Para makabili ako at mabigyan ko siya."
"Gaga ka talaga, hindi ka na ba talaga magkakaboyfriend? Ilang lalaki ang sinaktan mo sa hindi maipaliwanag na dahilan, bakit nga ba ayaw mo magkajowa?"
She is now hysterical, parang siya pa yung nalugi dahil wala akong jowa.
"Sagabal lang yan. Hindi madali ang law school."
"Alam natin na hindi madali, kaya nga you need inspiration."
"Makakatulong ba yang mga lalaking iyan kapag may exam?"
"Lalaki lang Dan, isa lang. Gusto mo yata marami eh."
"Oh, di lalaki lang. singular."
"Magkakaanak na ako Dan."
"Alam ko."
"Hindi na tayo mga bata."
![](https://img.wattpad.com/cover/220375417-288-k638274.jpg)