Chapter 9

54 2 0
                                    

In the light there was only the sound of the people, how happy they are, how beautiful their day was.

I opened my eyes slowly.

Brussels is such a lovely city.

Sabi ko sa sarili ko kahit isang beses lang makapunta ako sa isang bansa sa Europa kasama ang taong mahal na mahal ko.

We always visit Europe with my parents.

Napakaganda nang Europa,mula sa mga Arkitektura, mga tanawin, masasarap na pagkain.

At kapag pumupunta ako sa ibang bansa, gusto ko taglamig.

At gusto ko na tuwing nilalamig ako may hahawak nang aking kamay. Pakikiramdaman ko ang init na dulot ng kanyang mga palad.

Gusto kong maranasan iyon balang araw!

"Andito ka lang pala dana, kanina pa kita hinahanap." Yung mukha ni Tina parang pagod na pagod. Ano ba ginawa nito?

Saan kaya ito nagpunta?

"Masyadong malawak ang Parc du cinquantenaire para mahanap mo ako."

Sobrang lawak nang parke, isa ito sa mga tourist destination sa Brussels. Maraming mga turista. Maswerte kami ni Tina na nakapunta kami rito na sinabayan nang napakagandang panahon.

"Eh bakit ka ba kasi umalis? Nasa likod lang kita, bumibili lang ako ng Ice cream."

Feeling ko, naglilihi siya sa Ice cream.

Tumataba na ang bruha! Kain kasi nang kain. Kaya niyang ubusin ang 1.5 liter na ice cream mag-isa.

Tapos ako naman, habang patanda nang patanda, nagiging conscious na ako sa kinakain ko, hindi na ako katulad nung highschool na kahit ano ang kinakain. Ayaw kong tumaba. I just want to maintain my figure.

"Gusto kong maglakad eh." Ani ko sa kanya. Kumain kami nang Pizza kaya pakiramdam ko I gained weight. So I decided na maglakad-lakad muna. Gusto ko ring mapag-isa. Gusto ko nang peace of mind.

Ito kasing si Tina, napakamadaldal na. Kahit sa maliit na bagay may sinasabi siya.

"Wow ha! Hindi man lang ako nahintay. Naiinip ka agad?"

Marunong naman akong maghintay, pero sa araw na ito, I decided not to wait for her.

"Hinintay kita. Kaso lang ang tagal mo!"

Sobrang tagal kasi.

That's why I left.

Maganda ako.

Ellen Adarna lang ang peg?

"Bakit? Kung matagal ba ako hindi mo na ako mahihintay? Mahal mo ako di ba? Kaya dapat hintayin mo ako."

Bakit? Porket mahal? Kailangan hintayin?

"Napagod ako! Kaya umalis na ako." Simpleng sagot lang.

Kapag pagod ka na, at hindi mo na feel ang maghintay.

Umalis ka na.

Kung importante ka naman sa kanya.

Hahanapin ka naman niya.

Ibig sabihin lang, importante ako para kay Tina. Kasi hinanap niya ako.

"Alam mo,parang iba na itong pinag uusapan natin."

Mabuti naman at na sense ni Tina, na iba na itong pinag-uusapan namin. Pero gusto ko talagang ibahin, kasi totoo naman, nakakapagod maghintay.

"Bakit mo naman nasabi? Totoo naman hah, napagod ako kaya iniwan muna kita. Pero dahil mahal kita, hindi ako naghanap nang iba. Hinintay parin kita, gusto ko na hanapin mo ako,kasi hindi pala madali ang maghintay, kaya dapat maghanap ka."

Forever Just BegunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon