Chapter 1

169 16 6
                                    


"Kailan ka uuwi rito? "

I asked my sister who is currently busy putting something on her nails. Ang linaw-linaw sa laptop kung ano ang ginagawa niya.

"Matatagalan pa, pupunta kasi kami ng mga friends ko sa Hongkong next week."

"Anong gagawin mo dun? Malapit na exam niyo."

"Ate, chill ka lang, 2 days lang kami dun Saturday and Sunday lang, shopping lang kami."

"You are studying in Ateneo, baka maapektuhan ng pag-aaral mo dahil diyan, palagi nalang kayo out of the country."

"Wag kang mag-alala ate, bibilhan kita ng paborito mong bag, alam ko naman you have no time to buy things for yourself, you are always busy studying. Have a life naman ate."

"Hindi tayo magkatulad, pinanganak kang matalino kahit hindi ka na mag review, mag-aral, honor student ka parin, ako kailangan ko pang hindi matulog, para lang magkaroon ng mataas na marka sa exam."

"That's not true ate, matalino ka. Ate I need to go na pala, may lakad pa kami ng tropa, Bye! I miss you."

Nagmamadali si Danisse na umalis, she is always like that, the happy go lucky kid, nakakainggit lang.

Dani was right, I need to chill for a bit, kaya nagpunta ako sa mall, an hour drive from San Sebastian.

I bought clothes from famous shops, sandals, bags. Umiral na naman ang pagiging magastos ko, when I was in Highschool, hindi ako papasok sa clase, dahil nag sale lang ang sikat na clothing line, kapag may bagong uso, binibili ko, I don't care about money, my parents can provide us that.

Nang makauwi ako sa bahay I check my Facebook account, I just want this day as a good one, yung wala akong inaalala. Maraming mga message ang hindi ko pa nababasa. When I am so busy scrolling on my Instagram, may nag pop na message.

Hi.

I knew him, he's my brother's teacher. Pinakainiidolo niyang guro.

Ramses Alexandro Ramora

As a sign of respect, I replied, hindi ko talagang ugali mag reply sa mga nag chachat sa akin, but I think this man is an exception, guro siya ng aking kapatid, balita ko'y mas matanda sa akin ito ng limang taon, kaya parang I am oblige to reply on his "HI!"

"Hello."

Mabilis siyang nag-reply, hindi ako alam kung ano ang aking mararamdaman, pakiramdam ko may kailangan siya sa akin.

I stalked him, hindi ko ugaling e stalk ang isang tao pero nagawa kong tignan ang profile niya, alam kong may nobya siya, I saw it one time when I am scrolling on my feed.

Hiwalay na sila ng Girlfriend niya, I also clicked his girlfriend's profile, dun ko nabasa ang mga caption na alam mo talagang galing lang sa hiwalayan, kasi madrama.

"Akala ko hindi mo ko papansinin."

Nagulat ako sa kanyang reply, so he thinks that I am like that?

"Bakit naman hindi kita papansinin?"

"Kasi parang ganyan ka, makikita sa mukha mo, hindi namamansin."

I don't know what I am doing, nakikita ko nalang ang sarili ko na nagtitipa para e reply sa kanya.

"Ibig sabihin pala, palagi mo na akong nakikita?"

Hindi ko lubos mawari bakit ganun ako umasta, bakit yun tinanong ko sa kanya."

"Dalawang beses."

This man is really something, dalawang beses na niya akong nakita. Kaya ba niya ako chinat dahil nakita na niya ako ng dalawang beses, o baka naman gusto lang niya nang kalandian, dahil wala na siyang girlfriend.

Forever Just BegunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon