Ano kaya ang mas maganda?
Yung madali lang sa isang tao yung lumimot?
O Yung mahirap para sa isang tao ang kalimutan ka?
Nakakatawa lang, palagi ko yang tinatanong sa sarili ko, kasi kahit ako bobo, hindi katalinuhan sa klase,
Hindi madali para sa akin ang makalimutan ang isang tao.
"Grabe nu, malaki talaga yung peklat ko sa tuhod dahil sa aksidente ko nung umangkas ako ng motor." Ani ni Tina
"Mabuti ka pa, Wala!" Dagdag pa niya, sabay buntong hininga.
"Ilang beses na akong naaksidente, palagi kasi tayong lumiliban sa klase para gumala lang, nagsisi ka ba? Malaki tuloy yang peklat mo, hindi na yan mawawala, parang souvenir na yan ng nakaraan."
"Mabuti nga ako sa tuhod, yung peklat mo na sa puso."
"Meron ba? Anong akala mo sa akin? Naoperahan? May sakit sa puso? Healthy kaya ako."
"Ewan ko sayo, basta sana mawala na yan, kasi souvenir yan ng nakaraan."
"Wala naman! gaga ka."
"Babalik ka na ng maynila?" She asked, she looks sad but I know deep inside she is happy for me, I am going to law school. Mahirap pero kakayanin.
"Babalik na ako, marami pa akong kailangang paghandaan."
"Pagbutihan mo ha, dapat balang araw maging lawyer ka, Atty. Davina Alicante."
"Magiging proud ka sa akin?" Asking her with a wide smile on my face.
My friend is so beautiful, lalong-lalo na ngayon na nagbubuntis siya.
Dati palang maganda na siya.
Inside and outside.
"Dati palang proud na ako sa iyo. Kahit hindi ka nagtapos ng Pol.Scie, kahit hindi ka mag college, proud na ako sa iyo, hindi mo naman gustong mag-college di ba? SImpleng maybahay lang okay na sa iyo?" Tanong niya.
"Hindi kaya! Ang pangarap ko ay.."
Pinutol niya ang aking sasabihin.
"Hindi pala, maarteng maybahay. Yan ang pangarap mo." Tawang-tawa niyang sabi.
"Pero hindi naman consistent ang pangarap nang tao."
"Tama, nagbabago ito, baka bukas gusto mo nang maging Police." Sabi ni Tina.
Nakakatakot maging pulis. Di ko pinangarap humawak ng baril.
"Gaga! Hindi naman, maarte na nga tapos magpupulis." Ani ko.
Syempre nu,honest ako sa sarili ko,maarte ako tapos pulis?
"Mas kakaiba ang maarteng abogado.."
Bakit naman kakaiba?
Sabagay hindi pa ako nakakita ng abogado na grabe maka outfit.
Pormal ang pananamit nila at kung mamorma ay dalawang kulay.
"Hindi kaya, maraming maarteng abogado." Sabi ko nalang kahit naman wala pa akong nakikita.
Sa buhok sa pananamit sa mukha, minsan nga nakakalimutan nilang mag lipstick sa sobrang busy.
Maraming kaso.
"Wala pa akong namemeet." She said. Nakatingin sa akin na hindi kumukurap.
"Makakameet ka rin."