Chapter 2

93 3 0
                                    

"Yung lalaki kagabi.."

"Bakit?"

"Parang may gusto sayo."

"Okay ka lang? Wala ka na namang magawa."

"Di nga Dan, may gusto yun sayo nu, yung mga tingin niya sa iyo, tingin yun nang may gusto, alam na alam ko yan."

"Bahala ka nga."

"Kung manliligaw siya, sagutin mo ha, Gwapo naman eh!"

"Hindi ka ba talaga titigil?"

"Hindi."

"Bwest ka!"

"Bakit ka ba aral ng aral? Tapos ka nang mag-aral, stop na Dan,"

"Kailangang ma ipasa ko ang entrance exam sa San Beda." Seryuso kong sabi sa kanya, ang mga mata ko ay nakatutok lang sa Laptop, may babasahin pa akong Law books mamaya.

"Dan, sa natatandaan ko, Pagiging maybahay gusto mo, asawa diba? grabe naman yata yung pag-level up, housewife to Lawyer, anyare Dan?"

"May mga bagay talaga sa buhay natin na mahirap ipaliwanag"

"Kasi madilim?"

"Kung ihampas ko kaya tong laptop sayo, kanina ka pa eh."

"Sorry na! Pinapatawa lang kita."

"Ikaw ba? ayaw mong mag proceed ng law? Accounting course mo, magiging CPA karin, next year."

"Advance mo yatang mag-isip, bagsak na nga ako, pero thank you ha, napaka positive mong mag-isip, gusto ko yan Sis!"

"Pero di nga Tina, goodluck! kaya mo yan, nung highschool ang galing-galing mo sa math, ikaw ang kinokopyahan ko kaya E top mo ang board exam."

"Wala ka namang magagawa, ako lang talaga ang makokopyahan mo sa math nung highschool, kasi nahihiya ka sa isang taong ubod ng talino sa Math. Ayaw mong mangopya kaaaaay...."

Pinuol niya muna ang kanyang sasabihin.

"At tsaka sis, hindi ako mag tatake ng board exam."



Bakit kailangan pang ipaalala ang nakaraan?

Nandito na tayo sa present, ibabalik talaga ang past?

para ano?

Buksan ulit yung puso? Tapos hayaan ulit na masaktan ito.



"Anong gagawin mo pagkatapos mong gumradweyt?"

Nagpawalang malisya nalang ako, parang wala nalang akong narinig, syempre kailangan nating magbingi-bingihan.

Move on rin pag may time.

"Mag-aasawa na ako."

Malaking ngisi ang nakita ko sa kanyang mga labi, seryuso ba siya? Bakit pakiramdam ko, napag-iiwanan na ako ng panahon.

Hindi pa ako nagkakajowa tapos mag-aasawa na siya.

"Joke ba yan?"

"Hindi."

"Bakit?"

"Gusto na niya akong pakasalan."

"Paano ako?"

"Iiwan mo ako?"

"Ang drama mo, syempre ikaw ang Maid of honor,"

"Unfair mo naman eh."

Forever Just BegunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon