Chapter 4

81 2 0
                                    

"Talaga Dana, nanghingi siya ng 50 pesos?"

Kailangan talaga iulit ang tanong? Sinabi ko na nga.

Ganito ba talaga pag buntis?

Bingi.

"Hindi naman nanghingi, pero parang ganun na nga."

"Bakit ba kasi dun mo dinala sa mamahaling restaurant?"

"Mahal ba yun?"

"Oo! balita ko yun yung pinakamahal na restaurant sa San Sebastian ngayon."

"Ay sorry nalang, hindi ko alam."

"Tapos anong nangyari Dana?"

"Chismosa ka nu?"

"Hindi ah, na curious lang."

"Yun na nga, wala akong 50."

"Bakit wala kang 50? nakakahiya."

"Syempre! Wala akong 50."

"Yes, wala kang 50 kasi ikaw si Davina, 500 pesos ang pinakaliit na cash sa wallet mo."

"Tama, so I decided na ako nalang ang magbabayad."

"Ambait mo naman sis."

"Walang anuman sis."

"Sana pala niligawan nalang kita dati."

"Bruha ka!"

Tina is always in the house,  palagi siyang nandito, since highschool pa kami, dito na tambayan namin kasama si Elle, pero hindi namin alam nasan na si Elle ngayon.

"Dana."

"Yes ma?"

I thought mom is not here, I wonder why is she still here.

"Nandito pala mama mo, ang ingay natin."

Binuksan ko muna ang pinto, and I saw my mom with her gorgeous Oscar de la Renta Magenta dress na binili pa niya sa Italy.

Saan na naman kaya pupunta si mama at kung maka awra ay sobtang bongga?

"Where are you going mom?" I asked.

"Hi po tita,"

"Hello dear Tina, gumaganda ka yata ngayon ha."

Ang sarap sanang sabihin na, blooming siya mom kasi buntis, pero wag nalang.

Hayaan mong magulat siya sa susunod na mga araw.

"Thank you po tita."

Ngiting plastic naman si Tina.

"Iba ang ganda talaga ni Tina ngayon Dana, ganyan siguro kapag may boyfriend na."

"Hindi naman po tita." Tugon pa ni Tina.

Hay naku Tina, niloloko ka lang ng mama ko, mas maganda parin ako sa iyo.

May jowa ka lang.

Pero mas maganda ako.

Buntis ka lang.

Pero mas maganda ako.

"Ma, you will be late in your appointment, you should go now."

"Oo nga pala! I am just making sure, you guys are okay here, I'm just checking the two of you."

"You are really so sweet mom."

Umalis na rin si mama after sa mga kaplastikan na pinag-usapan namin.

Baka malaman pa niya ang mga pinaggagawa ko.

Forever Just BegunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon