Please

2.2K 40 3
                                    

Kiefer's POV

Ginawa ko na lahat para lang mapatawad niya ako, pero hindi pa ako susuko. Mahal na mahal ko sila. Kayang kaya ko gawin ang lahat para lang sa kanila.

Nandito ako ngayon sa harap ng bahay namin. Kakatok sana pero may narinig akong naguusap.

"Babe, please" boses ng isang nagmamakaawa na lalaki. "Ayoko na! Sawa na ko! Pareho lang kayo eh!" Sigaw ng babae.

Na parang si Alyssa. Oo si Alyssa nga. Pero BABE?.

"Lumabas ka na sa bahay ko!" Sigaw ni Alyssa sa lalaki. "Alyssa mahal na mahal kita please!" Sabi nung lalaki. "Bakit Jovee?! Minahal naman kita ha" sabi ni Alyssa.

End of POV

Pagkasabi nun ni Alyssa ay tumakbo si Kiefer sa kanyang sasakyan. Hindi nya na napigilan yung mga luha. Ang sakit! Pinagkatiwalaan ko sya! Tinuring ko na syang kapatid! Sa isip ni Kiefer.

Agad niyang pinaharurot ang kotse at napunta kung saan saan. Iyak parin sya ng iyak habang umuulit sa utak nita yung sinabi ni Jovee at Alyssa.

"BABE"

"ALYSSA MAHAL NA MAHAL KITA! PLEASE!"

"BAKIT JOVEE?! MINAHAL NAMAN KITA HA!"

"GINAGO NIYO LANG AKO!" sigaw niya at hindi na nya namalayang may malaking truck sa kanyang harapan at nabunggo ang kanyang kotse.

Alyssa's POV

Pumayag ako na ligawan ulit ako ni Kiefer. Hindi naman nawala yung pagmamahal ko sa kanya eh. Nasaktan lang ako.

Alam ko naman na hindi niya ako kayang lokohin, kaya lang gusto ko lang na maipakita niya sakin na hindi niya talaga ginusto yung nangyari.

Eto na yung last. 'pag nagtagumpay niya to. Sasagutin ko na ulit sya.

Tinawagan ko yung aking kaibigan.

*calling BEST!*

-oh Ly! Napatawag ka?

-gusto ko lang magpatulong

-sige. Be there in a minute.

-Thanks. Bye

-Bye

*end call*

Hindi nagtagal nakadating na sya. Sinabi ko sa kanya ang plano. At parang naguluhan sya.

"Sure ka Ly? 'Pag ako nabugbog nun. Pagsisisihan mo to!" Sabi nya. "Kahit kailan duwag ka talaga noh!" Sabi ko sa kanya. "Kaibigan natin yun Ly. At isa pa, pagnalaman ni Trinca to yari ka sakin!" Pagbanta niya.

"Hay nako! JOVEE! Kung magrereklamo ka dapat tinawag mo nalang si Trinca. Mas mabilis lang makaintindi!" Sabi ko. "Pagseselosin lang naman natin eh! Hindi totoo!" Pagpapatuloy ko. "Sige na nga!" Sabi ni Jovee.

Nagpractice kami para perfect mamaya. Maya-maya pa narinig ko na yung kotse ni Kiefer. Napatingin ako kay Jovee. Pawis na pawis na sya. Duwag. Inirapan ko nalang sya. Nag-go signal na ko.

"Babe, please" Sabi niya. "Ayoko na! Sawa na ko! Pareho lang kayo eh!" Sigaw ko naman.

Oh diba? Best actor and actress.

"Lumabas ka na sa bahay ko!" Sigaw ko. "Alyssa mahal na mahal kita please!" Sabi ni Jovee. "Bakit Jovee?! Minahal naman kita ha" sigaw ko.

Pagkatapos nun ay may narinig kaming sumara na kotse at rinig din namin kung gaano kabilis ang takbo ng kotse. Sumilip kami sa labas at may nakita kaming sulat.

Hi Ma! Sana mapatawad mo na 'ko. Mahal na mahal kita. Hindi ako susuko kahit ipagtabuyan mo pa ako. I love you. Always take care. I miss you. :((

End of POV

Lumipas ang 30 minutes at may biglang tumawag kay Alyssa.

*Trinca Calling*

- Oh Hi Trinca!

- Ly! Si Kiefer! Nasa ospital!

- ha?! Bakit?!

- nakabangga siya ng malaking Truck!

- sige punta na ko

*end of call*

Pagkatapos ng tawag.  Ay hindi na napigilan ni Alyssa ang mga luha. Napaupo sya sa sahig habang humahagulgol sa iyak dahil may kutob siya na kaya nabangga ni Kiefer yung truck ay dahil sa narinig nito.

"Bakit? Ano sabi?" Tanong ni Jovee habang pinatatahan si Alyssa. "Tama ka nga. Pagsisisihan *hik* ko rin *hik* sa huli" sabi ni Alyssa

My Crazy Family BOOK 2 (AlyFer/KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon